Matagal ko ng itinatago
Pag ibig na lalong lumalago
Araw araw parang laging bago
Damdaming puno ng pagkabigo
Matagal na kong umaasa
Sayo na aking sinisinta
Pag ibig ko'y di nag iiba
Kahit ako ay nagdurusa
Gabi gabi ay lumuluha
Iniisip kung ayos ka ba
Iniisip ang mga ala ala
Noong tayo ay masaya pa
Di ko alam kung kaya ko pa
Makita kang mayroong iba
Selos na lalong lumalala
Selos na laging dala dala.
BINABASA MO ANG
Tula ni Jiro
PoesíaYou cannot Change Other people but you can inspire them through your Goodness to be a better person.
