with Alexis Miguel Borjal
Saka na pagusapan
Kapag handa mo nang kalimutan
Mga bagay na naging sanhi ng iyong kalungkutan
Kalungkutan na di mo maiwasan
Kapag ikaw ay nasisilayan
Paano malilimutan
Kung lagi kang nandiyan
Mukha mong kayganda akin laging napagmamasdan
Kaya lalo kang di maalis sa aking isipan
Paano malilimutan kung mayroong ala alang bumabagabag
Ala alang binuo ng tadhana
Tadhana na sobrang kay lupit
Kalupitang umalipin sa aking damdamin
Damdaming di mapigilan
pagmamahalang di masuklian
Di mo naman pinaparamdam
Pag ibig mong tinataglay
Paano mo makakamtan pag ibig mong inaasam
Kung pagkatorpe mo ang iyong pinaiiral
Iyong ngiti at kagandahan
Paano nga ba makakalimutan
Kung bawat segundo at minuto ang nagdaan
Ikaw ay nasa aking isipan
Kahit na ikaw ay lumisan
Mukha mo'y nakaukit na sa aking isipan
Lalo na ang mga alaalang binuo
Paano na nga ba ito?
Ikaw ang aking problema
Ikaw ang solusyon sa aking problema
Problemang nagsimula ng makilala kita
Problemang masosolusyonan pag iniwan kita
Buhay ko'y kay gulo
Di ko na alam ang gagawin ko
Patuloy pa nga bang aasa
O ititigil na ang kahibangan kong ito
Ang pagsuko ay di paraan
Upang ikaw ay makalimutan
Pagtanggap sa katotohanan
Ang solusyon sa sakit na iyong nararamdaman
Pandaliang tuwa iyong binigay
Kahit ako ay umaasa lang ng tunay
Tunay na pagmamahal handang ilaan
Ngunit ikaw ba ay handa itong suklian?
Ikaw ba ay natamaan
Ng mga salitang aking binitawan
Pasensya naman
Nung akoy iyong sinaktan
Iyo bang naramdaman?
Di ko na alam kung kailan
Kailan mabubuhay na wala ka sa aking isipan
Kung ang isipan ko'y ikaw lang talaga ang laman
Paano? Kailan?
Regalo na iyong binigay
Sa basurahan inilagay
kahit na ito ay pinaghirapan
Sa isip niya itoy kalokohan
Di niya makita ang kahalagahan
Ng taong handa siyang ipaglaban
Pagmamahal sa gawa idinadaan
Hindi sa salita na madaling kalimutan
Bakit di mo ko magawang pansinin?
Marahil ba iba ako sa iyong paningin?
Kung ako ba ay naging siya
Ako kaya'y iyo ding madama?
Biro
Salitang akala mo masaya
Salitang di mo alam kung totoo ba
Biro nga lang ba ang lahat ng pinadama mo?
O may pag asa pang magkatotoo
Para di na magkahiwalay
Pagusapan na ngayon na
Yang "tsaka na pagusapan" na yan
Ang siyang nagpapalala pa sa ating problema
BINABASA MO ANG
Tula ni Jiro
PoetryYou cannot Change Other people but you can inspire them through your Goodness to be a better person.
