Happy Teacher's day
Written:9.12.17
PARA SA MGA GURO
Sa bawat tinta ng ballpen na aming pinangsusulat
Sa bawat piraso ng papel na aming sinusulatan
Ang tanging hangad lamang nila ay aming karunungan
Karunungang dala namin hanggang sa aming tagumpay
Tagumpay na dulot ng kanilang tiyaga
Tiyaga na pundasiyon ng kanilang hangarin
Hangarin na maitaguyod kami mula sa kamangmangan
Kamangmangan na balakid sa aming pangarap
Kaibigan, kasama mo sa tawanan at kalungkutan
Dadamayan ka sa oras ng paghihirap sa aralin
Magulang, kasama mo sa bawat pagdurusa sa eskwelahan
Di ka papabayaan na mahirapan sa buhay
Hirap at pagod pasalubong sa kanilang tahanan
Ngunit ito ay napapalitan ng kasiyahan pagdating sa paaralan
Upang ang gampaning bigyan kami ng karunungan
At maisabuhay ang diwa ng edukasyon sa tagumpay
Sila ang nagsisilbing tulay sa aming tagumpay
Dahil sa kanilang walang maliw na sipag at dedikasiyon
Sa pagsasaway at pangangaral sa aming kakulitan
At lalo na sa pagpapaintindi sa amin ng mga aralin
Kami ay nagpapasalamat sa inyo
Sa sakripisiyong sa amin ay inyong ipinagkaloob
Kasama ang pagmamahal na amin ring isinukli
At sa ala alang di namin malilimutan
BINABASA MO ANG
Tula ni Jiro
PoesíaYou cannot Change Other people but you can inspire them through your Goodness to be a better person.
