Tula #20

1 0 0
                                    

DSMJ

Gabi gabi inaalala ang mga iniwan mong kataga
Para bang ang mundo ko' y gumuho ng ito ay aking mabasa
Di ako makapaniwala kung totoo ba ang aking nakikita na para bang may matagal ka ng nililihim sa akin
Sa bawat gabi na aking nabibilang, sandamakmak na luha ang tumulo mula sa aking mata na para bang isang napakalaking pagkakamali ang aking nagawa
Hanggang ngayon, akin pa ding pinagmamsdan ang aking mga kilos.
 Di ko alam kung saan ako nagkulang at nagkamali. 
 Hindi ba talaga ko mapagkakatiwalaan? Siguro nga.
Pero yun ang nakita ko sa mga salita na iyong binitawan.
Kaya ang gagawin ko na lang ang sa tingin kong tama.
 Ang manahimik.
 Na kung saan ang lahat ay makararanas ng kapayapaan, di masasangkot sa anumang gulo o away.
  Sa pagtahimik kong iyon ay may ingay na bumabagabag sa akin na para bang may gustong ipahiwatig sa akin para bang gusto kitang yakapin.
 Kung alam mo lang, kung gaano ko naging kasaya nang ikaw ay aking nakilala at naging kaibigan.
 Abot langit ang aking kaligayahan dahil ikaw ang nagbago sa akin.
 Ikaw ang nagbago sa mali kong pananaw.
Sa simpleng bagay na di pagkakaintindihan sana pag usapan.
 At sana huwag ng humantong sa ganito.
 Alam mo ba na sa dinami daming  beses na ako ay hingan mo ng tawad yung sugat ng dulot ng iyong nga salita ay naiburda na sa aking utak na kahit hanggang ngayon ay hirap akong burahin kahit gusto ko ng ika'y yakapin ng mahigpit at umiyak sa susunod na ating pagkikita.
Gusto ko na uling maramdaman ang iyong pagmamahal bilang isang kaibigan.
Gusto ko na uli na ikaw ay makasama.
 At gusto ko ng ipagpatuloy ang ating nasimulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula ni JiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon