Dedicated to: Sheila Marie Galang
My sister
Setyembre 13 2017
Araw na kung kailan umiyak ako
Umiyak dahil sa mga salitang iyong binitawan
Salitang nagbalik sa ating nakaraan.
Oo na, ako na tamad
Ngunit mabuting pakikitungo mo lamang ang tangi kong hangad
Pakikitungong tulad ng sa iba
Na di mo magawa kahit ni isa
Sa bawat magkakapatid na aking napagmamasdan
Ngiti at tawanan nila'y aking napagtutuunan
Hiling sana'y ganoon rin tayo
Upang pagseselos ko ay maglaho
Pakiusap ko lamang, iyong pasensya'y pakihabaan
Nang paghingi ko ng tawad ay mapakinggan
Aking kapatid patawad na
At sana, iyong noo ay huwag ng ikulot pa
BINABASA MO ANG
Tula ni Jiro
PoetryYou cannot Change Other people but you can inspire them through your Goodness to be a better person.
