CHAPTER 9 - READY

27 0 5
                                    

Steph's Point of View

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon patungong dorm. Pagod na pagod kami kaya naman hindi na kami nagchikahan habang naglalakad.

Pagdating namin sa harapan ng pinto ay sinusian ko na ito at pagkapasok ay binuksan ko na rin ang ilaw.

"Haaa.. Halos lahat ng braincells ko puputok na!" Reklamo ni Jerra nang humilata ito sa sofa.

"Plus the recent issues! Double stress!" Sabat naman ni Angel.

"Bakit? Tingin niyo kayo lang naloloka sa lahat ng mga nangyayari? Pano naman kaya yung mismong tao na involve na sa issue kagaya ni Sir Lee lalo na si Sir DJ." Pakikisawsaw ko pa.

"Oo nga e. Kawawa naman siya." Sambit ni Angel kasabay ng isang malalim na exhale.

"Sino? Si Sir DJ?" Tanong sa kanya ni Jerra.

"Huh? No. I mean, si Sir Lee ang tinutukoy ko." Agad namang sagot ni Angel.

Natahimik lang kami saglit at nang lumaon ay napagdesisyunan naming kumain. At maya-maya ay agad din naman naming naubos ang mga pagkain na nasa lamesa. Hinugasan namin ang mga sari-sariling plato at mangkok.

Dumiretso na kaagad kami sa banyo matapos nun at isa-isang nagsipaghilamos. And kagaya ng nakagawian naming tatlo ay ginawa namin ang mga kanya-kanyang skin-care routines at saka tuluyan na humiga sa kama at natulog.

----------------------------------------------------------------

Maaga akong nagising kinabukasan. Nagtatago pa ang araw at maliwanag pa ang buwan,bumangon na ako sa kama. Habang ang dalawang bruha ay natutulog parin sa mga kama nila.

4:30 palang ng umaga at mamaya pang alas otso y media ang pasok namin. Puro review lang naman ang aatupagin namin this week dahil sa susunod na linggo exam days na namin.

And then after nang madugong pagsusulit.. Tada! It's sembreak na!

Anyways, kasalukuyan akong nag-iinit ng tubig para makapagtimpla ng kape. Then suddenly may parang kumakaluskos at tila may gumugawa ng mga mahihinang ingay sa labas ng dorm.

At ako naman, ang dakilang tapang-tapangan ay tinignan kung sino or anong nasa labas. Pagbukas ko ng pinto ay syempre madilim ang buong hallway at tanging liwanag lang nito ay ang sinag ng buwan na tumatagos mula sa isang bintana.

Nagpalinga-linga ako sa kaliwa at sa kanan pero wala namang tao.

"Ahhh--" Sigaw ko sabay takip ng bibig nang biglang may humawak sa paa ko.

Napaupo ako dahil sa takot at pigil parin ang aking pagsigaw. Hindi ko naman matanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa mga paa ko dahil halos nanigas na ako sa kinapwepwestuhan ko.

Inaninag kong mabuti ang mukha ng taong hanggang ngayon ay nakahawak parin ang kamay sa paa ko. Laking gulat ko ng makita kung sino ang taong ito.

No other than Park Ji Hyung himself.

And he's on his white polo.

Ano naming ginagawa ng koreanong 'to dito?

Napanganga ako nang makitang sya nga iyon, muka itong naglasing ng sobra at grabe ang tama. Kaya naman dali-dali ko itong inakay at ihiniga sa sofa. Tumingin muli ako sa labas kung may tao at matapos nun ay isinarado ko na ang pintuan ng dorm.

Nang balikan ko si Ji Hyung ay pulang-pula ito at tila marami nga talagang nainom. Pero ano naman kayang meron at maglalasing siya ng sobra?

Pero Infairness ha! Ang cute niya pa rin talaga kahit lasing. (Bakla talaga.)

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now