CHAPTER 12 - NIGHTMARES

14 1 0
                                    

Steph's Point of View

Matapos nang mga pangyayari nang gabing 'yon ay nagtuloy-tuloy na nga ang masasayang kaganapan sa buhay naming tatlo. Halos buong sembreak din kaming gumala sa kung saan-saan nila Jerra at Angel. Since two weeks din ang ibinigay na pahinga sa amin ay nasulit talaga namin ito.

Lumipas ang sembreak at nagbalik na nga ang klase. Start na nga ng susunod na sem pero ang prof at teachers namin ay the same pa rin sa kung sino yung mga nagturo sa amin nung first sem. Wala kaming inatupag tatlo kundi ang mag-aral at halos nakalimutan na rin naming ang pag-aastral projection at maging ang bangtan dahil sa sobrang kabusyhan, mabuti nalang at medyo nawala na ang mga death threat reports kaya naman kahit pa paano ay nabawasan ang pag-aalala namin.

Samantala, kalaunan ay natapos din ang sem na 'yon hanggang sa dumating na nga ang araw ng Moving Up Ceremony namin. Noong araw na 'yon ay doon na lang namin muling nakita ang mga parents namin, lalo na sila mom at dad kasama ng nakababata kong kapatid na nagpunta pa mula sa America para lang maka-attend.

At muli, nang dumating ang summer vacation namin ay nagkahiwa-hiwalay na naman kaming tatlo.

Si Angel ay nagpunta muna sa Cebu kasama ng mga parents niya.

Si Jerra naman ay nagpunta ng Batangas para naman bisitahin ang townhouse nila roon na kung saan doon din nakatira ang mga grandparents niya.

Samantalang ako naman ay sumama muna kanila mom at dad papuntang States para makapag-bonding kasama nila.

Hindi naman nawala ang koneksyon naming tatlo dahil halos thrice a week kami kung mag-video chat at halos araw-araw kaming magkausap sa sarili naming GC.

Of course hindi pa rin nawala ang usapan naming tungkol kay Ji hyung at may mga moments talaga na brini-bring up namin yon kay Angel. Natatawa na lang ako dahil tinatarayan niya kami ni Jerra kapag napapag-usapan namin ang tungkol sa kanya.

Pero sa huling pagkakaalam ko ay nagpunta si Ji hyung ng Seoul, probably to have some time with his mom there.

Anyways, halos dalawang buwan ding naging ganoon ang paraan ng pakikipag-ugnayan naming tatlo sa isa't isa. Ngunit mabilis talaga ang takbo ng panahon at di ko namalayang tapos na pala ang bakasyon.

The moment na magkita-kita muli kami ay para kaming mga baliw na nagyayakapan at aakalain mong ilang libong taong nahiwalay sa isa't isa. Haha!

Pagbalik naming tatlo sa dorm ay medyo maalikabok ito kaya naman ang una naming ginawa kinabukasan nun ay ang linisin ito. Isang araw bago magpasukan ay nakita naming dumating na rin si Ji Hyung mula sa bakasyon. Masaya naman naming siyang winelcome.

Kalaunan ay dumating na rin ang araw ng unang pagpasok kaya naman masigla kaming tatlo na bumangon sa kama at naghanda. Kasabay naming pumasok si Ji Hyung at nagsimula na nga ang buong araw namin.

Iba-iba na ang mga professors at teachers namin this time but fortunately napunta kami sa klase na hawak ni Sir Chris kung kaya't siya pa rin ang naging adviser namin for our second year.

Puro pag-aaral lang ang inatupag naming tatlo sa unang dalawang buwan ng klase.

Di na namin napansin na August na rin pala at nalalapit na ang HER Foundation Holiday ng school kung saan dalawang lingo kaming walang pasok.

Ito ang isa sa nagustuhan ko dito sa HER; ang napakaraming holidays ng yearly sched nila. Haha!

Isang buong araw ang lumipas hanggang sa dismissal time na nga kaya naman naghintay muna kami sa canteen dahil sinabi sa amin ni Ji hyung na doon namin siya hihintayin pagkatapos ng klase ngayong araw.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now