FINAL CHAPTER - SERENDIPITY

12 0 0
                                    

"K-Idol Jimin passes at age 28 due to an assassination by an unknown woman outside Incheon International Airport. The world grieves as the artist was a member of the internationally renowned K-Pop group, BTS. The information about the artist's wake is yet to be released."

Angel's Point of View

Umingay at mabilis na kumalat sa buong mundo ang balita ng pagkawala niya. Mula nang araw na malagutan siya ng hininga ay para na rin akong napipi at di na nakapagsalita pa. Hindi ko makuhang kausapin maging ang pinakamalalapit kong kaibigan. Walang salita ang kayang iproseso ng utak kong hindi pa rin makapaniwala sa mga kaganapang 'di ko akalaing tatambad na lang sa harapan ko. Naririnig ko pa rin hanggang ngayon ang mga iyak at hagulgol naming lahat nang ideklara ng doktor na wala na siyang buhay.

Parang nagmanhid ang buong katawan ko nang mga saglit na 'yon. Gumuho ang lahat ng pag-asang meron ako.

Pag-asang tapos na ang mapait naming kapalaran.

Niyakap na lang ako nila Steph, Jerra at Lia nang mga oras na nanahimik ang mga labi ko at tanging sa pagpatak ng luha ko lang nailalabas ang dalamhating ngayon ko lang naramdaman. Nang mga saglit na 'yon, kahit saan ako tumingin ay wala akong ibang nakita kundi ang pagdurusa at hapdi na idinudulot ng mga pagkakataong 'yon.

Isang araw lang ang nagdaan at agad ring naisaayos ang lahat para sa lamay na ginanap lang din sa mismong funeral hall ng ospital kung saan siya isinugod at binawian ng buhay. Kasabay nito ay napasyahan na rin naming mag-ayos para makabalik agad sa funeral hall at samahan ang magulang ni Jimin kasama nila Jin para tumulong na asikasuhin ang mga bibisita sa lamay.

Halos ilang oras lang naman ang naging paghahanda namin at kalaunan ay tumungo rin pabalik ng ospital. Ngunit nang nakatayo na kaming apat sa tapat ng elevator ng palapag ay nagulat na lang ako nang saktong bumungad sa amin sina mama at papa. Tila kakarating lang nila galing airport dahil dala pa nito ang mga maleta at makakapal nilang jacket.

Nang saglit ko lang din na iyon nalaman na si Steph pala ang kinausap nila at siya rin ang nagbigay ng address kung saan kami nakacheck-in dito sa Seoul. Ganoon pa man ay hindi ko na lubos pang binigyang pansin ang mga bagay na 'yon dahil nang makita ko silang dalawa ay agad akong napayakap. At nang mga sandaling iyon, ay doon ko lang naibuhos ang luha at hagulgol ko. Kalahating oras akong umiyak habang nakayapos sa kanila at kalahating oras din silang tahimik na nanatili habang tinatapik ang likod ko hanggang pagtahan.

Di na nila itinanong pa ang buong pangyayari sa akin at sinabi ni papa na sapat nang naroroon sila para dumamay. Ngumiti na lang ako sa kanya nang sabihin niya iyon at saka ko sila tinulungan na ilapag sa hotel room ko ang mga gamit nila. Ginusto ko sanang pagpahingahin muna silang dalawa dahil na rin sa haba ng binyahe pero tumanggi sila at mas piniling sumama sa aming apat patungong ospital. Hindi naman na ako umangal pa at bagkus ay magkakasama na nga kaming dumiretso sa funeral hall kung nasaan ang lamay.

Pagdating namin sa tapat ng silid kung saan nakalagay ang malaking frame ng picture ni Jimin na pinalilibutan ng mga bulaklak ay sinalubong naman kami ni Mr. Park. Inanyayahan niya kami sa loob at bilang bahagi ng funeral rites ay magkakasabay kaming yumukbo ng dalawang beses sa tapat ng litrato na sinundan naman ng isang yukbo kanila Mr. and Mrs. Park. Matapos nito ay saka naman inaccomodate ni Mr. Park ang mga magulang ko para makapag-kape sa guest area.

Habang ako naman, kasama sila Jerra, ay naisipang tumabi kay Mrs. Park. Sumusulyap-sulyap lang ako sa kanya nang mga oras na magkasama kami pero kitang-kita ko sa mukha niya ang magkakahalong lungkot, puyat at pagod sa pag-iyak. Kaya naman nagpresenta akong pumalit muna sa pwesto niya at kinumbinsing matulog muna para makapagpalakas. Nagdadalawang-isip pa ito noong una pero makalipas pa ng ilang pangungumbinsi ay pumayag rin siya. Pero bago niya tuluyang inalisan ang kinauupuan ay yumakap muna ito at nagpasalamat.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now