CHAPTER 10 - SEMBREAK

29 1 5
                                    

Angel's Point of View

Happiness.. Too much happiness. Yan lang ang nadarama ko habang naglalakbay kaming tatlo patungo nga ng airport and sa wakas ay kumpleto na kaming magkakaibigan na pupuntang Korea.

Talagang kinareer namin at ginawang literal ang mga salitang..

'MUST PROTECC'

Yes. Hindi ang physical body namin ang pupunta doon mismo pero alam kong kahit sa ganitong paraan ay malapit kami sa kanila kasabay ng paggawa ng mga bagay na may katuturan.

Sa kalagitnaan ng paghihintay namin sa airport ay nakita kong minamasdan ni Jerra ang kakaibang anyo ng balat niya na para bang hindi pa rin ito makapaniwala.

Makalipas niyang masdan ang sarili niya ay napahinga siya ng malalim nang mga oras na iyon habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang buong paliparan.

"Are you nervous?" Tanong ko.

"Actually, halo-halo... masaya, kabado na may kaunting excitement. Because, hindi lang bahay ng kung sino ang pupuntahan natin." Wika niya naman.

"I know.. ganyan din ang naramdaman ko nang yayain ako ni Steph, a few days ago. I don't know what to feel pero magsesettle din lahat yan once you feel the sense of fulfillment." Saad ko pa.

"So ano? Magchichikahan nalang kayo dyan?" Singit naman ni Steph.

"Ha? Bakit?" Tanong ko kay Steph.

"Boarding na yung eroplanong papuntang Korea, girls!" Dire-diretso nyang turan.

"Ha! Ano? T-Tara na! Anong gate ba?" Tanong ko kay Steph.

"Gate 8. Let's go!" Sagot naman agad ni Steph.

Kaya naman dali-dali na kaming tumungo sa Gate 8 at nilagpasan ang lahat ng mga nakapilang tao and well as usual karamihan sa mga ito ay Koreano.

"Ladies and Gentlemen, welcome to Flight 2346 to Incheon, South Korea. Please put on your seatbelts for in 5 minutes we'll be going to take off. Thank you." Sambit ng babae na nagsasalita sa mic.

Malaki ang eroplanong nasakyan namin kaya naman maraming bakanteng upuan ang hindi na-occupy kaya syempre dun kaming tatlo nina Steph at Jerra umupo.

"Steph?" Tawag ko.

"What?" Sagot naman niya.

"Dala mo ba yung mapa nung village na kinaroroonan ng dorm ng Bangtan?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? What map?" Tugon niya na isang tanong din.

"Yung mapa na nawaglit nung dalawang babae last time." Usal ko sa kanya.

"Ah! Yung mapang yun? Oo nasa akin, nasa bulsa ko. See?" Turan niya sa akin sabay pakita ng mapa kaya naman kampante akong napatango sa kanya.

"Halaa.. Nakarating na kayo don? You've been there already?" Medyo naiinggit na tanong ni Jerra.

"Yes, hindi lang naming nasabi sayo kasi pare-parehas tayong busy at hindi mo rin kami siguro papaniwalaan. Remember?" Usal ko sa kanya.

"Okay. Okay. Tama na kakabring-up niyan. I've said sorry a while ago, kailangan ko po bang lumuhod sa harapan niyo ngayon?" Tugon naman ni Jerra.

"If you insist." Pabirong wika naman ni Steph na inirapan na lang niya habang napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"Anyways, going back.. anong pakiramdam, anong naramdaman niyo nung nakita niyo sila ng harap-harapan?" Sunod-sunod na katanungan ni Jerra na dahilan para magkatinginan kami ni Steph.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now