Angel's P.O.V.
Mahimbing akong natutulog nang maalimpungatan ako sa patuloy na pangangalabit ng isang babae na nasa tabi ko. Napaling ang tingin ko sa bintana at nakita kong wala pa namang araw na sumisikat at tanging ilaw lamang na nagmumula sa isang lampshade na nasa lamesita ang napapaliwanag sa buong kwarto.
"Ano ba yun?" Inaantok ko pang tanong kay Jerra na ngayon ay nakatulala at nakatingin sa isang bahagi ng kwarto habang patuloy parin ang pangangalabit sa akin.
"N-N-N-Na-Nap-Nap-Saeng" Pautal-utal nitong sambit na di ko mawari kung ano bang gusto niyang sabihin.
Ano daw?Napsaeng? Kaya naman napatingin ako sa kung saan kanina pa tanaw-tanaw ni Jerra. Biglang nagising ang diwa ko at nanlaki ang mga mata ko kung ano ang nilalang na nasa harapan ko.
Isa ngang NAPSAENG!!
"AHHHHHHHHHHHHHHH!!" Sigaw ko sa sobrang takot na nagpagising kay Steph.
Nagulat din siya ng makita ito at dahil doon ay dali-dali kaming tatlo na pumunta sa isang gilid ng kwarto at nagsiksikan dahil sa takot. Hindi na namin nasubukan pang lumabas ng kwarto dahil nakaharang ito sa pinto.
"S-So? G-Guys, a-ano na?" Sabi ni Jerra na bakas sa mukha ang labis na takot.
Wala namang imik si Steph dahil narin sa takot at gayundin maging ako. Bigla namang sumagi sa utak ko yung 'tiger totem' na binigay samin ni Shaman Baek. Tama! Magagamit ko yun ngayon!
Nalagay ko ang akin sa loob ng drawer ng lamesita kaya naman napag-isipan kong agad na kunin yon. Madali akong nakapunta sa lamesita at nakuha ang tiger totem sa loob, pero kasabay ng pagdampot ko totem ay siya ring pagkumpas ng kamay ng napsaeng na nasa harapan namin dahilan para mabitawan ko ang totem at matumba at mapaupo ako sa gilid ng lamesita.
"ANGEEELL!!" Narinig kong magkasabay at nag-aalalang sigaw nila Steph at Jerra.
Nanlilisik at kulay pulang liwanag ang inilalabas ng mga mata ng napsaeng na ito na para bang takam na takam siya sa enerhiya ng wooden necklace na suot-suot ko ngayon.
Tila nagslow-motion ang mga nangyayari sa paligid. Hindi ko na alam ang mga susunod kong gagawin sa oras na iyon, dahil nabato na ako sa kinalalagyan ko at hindi ko na rin alam kung nasan tumilapon yung tiger totem ko kaya naman wala na akong magawa kundi tignan nalang ang napsaeng na unti-unting lumalapit sa akin na kahit anumang sandali ngayon ay pwedeng-pwede na akong saktan.
Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa nito ang isang lalake. Agad itong pumunta sa akin at niyakap niya ako habang hindi ko parin maialis ang mga mata ko sa napsaeng na nasa harapan ko. Kasabay ng pagyakap ng lalaking iyon sa akin ay itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na isa ring tiger totem. Ilang segundo lang ang nagdaan at nagliwanag ang totem dahilan upang umalis at maitaboy nitl ang napsaeng na gutom na gutom sa enerhiya.
Nang wala na ang napsaeng ay dahan-dahan na kumalas ang lalaking ito mula sa pagkakayakap sa akin at nang tumama sa kanyang mukha ang liwanag ng lampshade ay nakilala ko na kung sino siya...
Si Jimin.
"A-Are you okay?" Jimin said while gasping for air.
"Y-Yes." Tugon ko sa kanya kasabay ng pagtango habang gulat na gulat pa din sa mga nangyari.
Inalalayan ako ni Jimin na makaupo sa kama habang si Jerra at Steph naman ay tumayo na rin sa kinalalagyan nila kasabay noon ay ang pagbukas ni Steph ang ilaw.
"Kukuha ako ng tubig." Pagvolunteer ni Jerra at lumabas na ito ng kwarto.
"Are you sure? Are you really not hurt?" Nag-aalala muling tanong nj Jimin.
YOU ARE READING
SERENDIPITY || The Adventures of My Astral Body
Fanfic"The proverbs was wrong.. the Skies wasn't always the limit." || Angel, Steph and Jerra, common adolescents that happened to be a part of wealthy families, made the first of their college careers by becoming freshmen of HER University. And like any...