CHAPTER 29: Part 1 - JEJU

10 2 2
                                    


Narrator's POV

Kapayapaan ang nadarama ni Melinia habang nakaupo sa balkonahe at hinihigop ang mainit na tsaa. Mataas na ang sikat ng araw nang mga oras na iyon kung kaya't tanaw na tanaw ang luntian at malawak na kaparangan na pinaghihilamunan ng napakaraming mga tupa at baka.

Malaki ang itinindig na bahay ng kanyang mga anak para sa kanya at sa kanyang asawa na si Dapito sa kanilang lupain sa barrio ng Julieta. Ngunit magkaganoon pa man ay nanatiling simple at walang kaluho-luho ang pagkilos ng kanyang mga anak na siyang lubos niyang ipinagpapasalamat.

Malamyos ang ihip ng hangin ng mga oras na iyon at tahimik lamang na nakatuon ang paningin ni Melinia sa mga berdeng kabundukan na tanaw mula sa kanyang kinuupuan. Maya-maya ay isang babae ang lumabas mula pinto na dahilan para mapukaw ang kanyang atensyon at mapatingin dito.

Bahagya siyang nag-alala nang makitang medyo lumulubog ang mata nito at halatang hindi nakatulog ng maayos. Batid ni Melinia na labis ang dinaradas nito ngayon kung kaya't naiintindihan niya kung bakit siya nagkakaganito. Ngumiti na lang si Melinia sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata.

"Gising ka na pala." Bungad na bati niya kay Liliana – ang ikatlo sa labing-isa niyang mga anak at ang siyang ina ng kanyang mga apo na sina Jeline at Steph.

"Nakita mo ba si Jeline, nay?" Panimulang tanong naman niya.

"Ah.. si Jeline? Sumama siya sa itay mo papuntang bayan. Mukhang namasyal ang dalawa." Nakangiting tugon ni Melinia.

"Halika't tabihan mo ko rito. Samahan mo akong mag-tyaa at nang mainitan naman 'yang sikmura mo." Dagdag nito.

"Wala akong gana." Matamlay na tugon ni Liliana.

"Halos papatak na ang alas dose at ni isang butil ng kanin hindi pa bumabagsak sa tiyan mo. Tabihan mo ako rito at uminom ka ng tyaa. Hindi ikabubuti ng katawan mo 'yan." Usal muli nito sa kanya.

Saglit na nagkatitigan ang mag-ina ng mga sandaling iyon. Ngunit kinalaunan ay ihinakbang na rin ni Liliana ang kanyang mga paa patungo sa tabi ni Melinia sa kadahilanang batid niya na hindi niya matatanggihan ang anumang sabihin nito.Umupo siya sa tabi ng kanyang ina at kasabay ay sinalinan naman ni Melinia ng mainit na tyaa ang maliit na tasa bago ito iabot sa kanyang anak.

"Inumin mo iyan. Nang kahit pa paano ay medyo kumalma ang pag-iisip mo. Napakaraming laman ng utak mo, ipagpahinga mo muna ang pag-iisip." Turan ni Melinia.

Humigop naman ng marahan si Liliana mula sa tasa at saka ito inilapag sa lamesang nasa tapat niya. "Iisa lang naman ang nasa isip ko." Bigla niyang wika.

"Si Steph?" Usal ni Melinia habang nakatingin sa kanya.

Sumagot naman ng maikling tango si Liliana.

"Iisa nga lamang pero katumbas naman ng bigat ng sandamakmak na suliranin." Wika ni Melinia sa kanya sabay tingin sa malayo.

Natahimik muli ang paligid at hindi na nakasagot pa si Liliana sa sinabing iyon ng kanyang ina. Ilang saglit ang lumipas ay may narinig silang mga yapak ng paa na papalapit mula sa kanilang kinaroroonan kaya naman napalingon ang mag-ina at doon ay napagtanto nila kung sino ito.

"Huli na ba 'ko para makisalo sa pagtya-tyaa?" Wika ng isang lalaki habang nakangiti at may dalang isang suitcase. Nasa 70 na ang edad nito, medyo may katangkaran at bahagya na ring kumukulubot ang mukha.

Siya si Romuelito Barviaga – ang tiyuhin ni Liliana, isa sa mga nakatatandang lalaking kapatid ni Melinia at ang Ikalawang Tagapangulo (Vice Chairman) ng El Bria Corporation.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now