CHAPTER 13 - TROUBLE

16 2 3
                                    

Steph's Point of View

"Steph?" Bungad ni Ji hyung nang katukin namin siya sa dorm niya.

"We just wanted to tell you something." Usal ko naman sa kanya.

"W-What is it?" Tugon niya naman sa akin.

"Uhm.. not here. Let's talk about it at the mall while, eating." Nakangiti kong wika sa kanya.

"But are you free today?" Usal naman ni Jerra na nasa likod ko at tumugon naman si Ji hyung ng isang tango kasama ng isang ngiti.

"I'll get ready, just wait for me!" Wika niya naman sa amin kasama pa rin ng isang ngiti sabay alis sara ng pintuan ng dorm niya.

Kaya naman naisipan muna naming tatlo na bumalik saglit ng dorm at umupo muna sa sofa. Nakabihis naman na kami at nakapaghanda na rin kaya si Ji hyung na lang talaga ang hihintayin namin.

Akma na sana kaming uupo ng sofa pero biglang bumukas ang pinto ng dorm naming at iniluwa nun si Ji hyung.

"Let's go." He briefly said while smiling.

Kaya naman nang sandaling iyon ay umalis na nga kami. Nilock ko na ang dorm namin at saka bumaba. Pinatignan ko kay Jerra ang pinabook naming Grab at sinabi niyang 2 minutes na lang daw bago makarating ang sasakyan sa kinaroroonan namin.

Ilang saglit nga ay dumating na rin ang sasakyang pinabook naming. Sumakay na kaming tatlo at saka tuluyan ng lumarga ang sasakyan. Nasa frontseat ako sumakay habang sina Jerra, Angel at Ji hyung naman ay nasa likod.

Nasa tabi ng bintana si Ji hyung habang si Angel naman ang sa gitna. Tinitignan ko ang reaksyon ni Angel habang katabi si Ji hyung pero normal lang naman siya at parang isang kaibigan lang talaga ang katabi niya.

At doon ko muling napatunayan na wala nga talaga siyang gusto kay Ji hyung, she just like to be friends with him.

Maya-maya ay nagsimulang makipagdaldalan si Jerra kay Ji hyung at kung ano-ano ang mga pinag-uusapan nila. Natawa na lang ako habang tinitignan ang kadaldalan ni Jerraldina.

Kalaunan ay nakarating din kami sa mall, sikreto ko nang binayaran ang fare namin para hindi na magpumilit si Ji hyung na siya na naman ang magbayad. You know, just in case.

Bumaba na nga kami sa sinakyan namin at pumasok na sa mall. Medyo naaliw kami sa mga bagong bukas na stalls dito kaya naman hindi muna kami dumiretso sa restaurant at nag-ikot ikot muna.

Kung saan-saang parte kami ng mall nagpunta, at natutuwa kami sa paglibot namin ditto. Makalipas ang ilang oras ng paglilibot sa loob nito ay di namin namalayang hapon na pala.

Napakabilis ng oras.

Kaya naman napagpasyahan na naming na magtungo na nga sa restaurant na kung saan kami kakain.

Bon Chon

Basa ko sa pangalan ng kainan na pinasukan namin. Ewan ko pero kadalasan talagang restaurant na kinakainan namin is Korean-style or Korean foods ang sineserve. Dala na rin siguro 'to ng pagkahilig namin sa K-Pop. Haha!

Humanap na nga kami ng mauupuan at nang makapwesto na ay lumapit na sa amin ang waiter para kunin ang mga order namin. Isa-isa naman kaming umorder at since idea ko ang pumunta dito ay ako na ang nagbayad ng lahat ng kakainin namin.

Well of course, Ji hyung, being himself insisted once again na siya na ang magbabayad pero nagpumilit din ako na ako na ang manlilibre.

Pumayag din naman siya eventually, at nagkwentuhan na lang ulit kami pagkatapos nun. Maya-maya ay isa-isa na ngang dumating ang pagkain namin.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now