Prologue

179 8 2
                                    

Third Person's POV

"Haha habulin mo 'ko"

"Teka lang Ash! Ang bilis mo! Ang daya"

Sa isang tagong garden, may dalawang matalik na magkaibigang nagngangalang Athena at Ash na masayang naglalaro ng habulan.

"Huli ka!" sabi ni Athena at nahuli ang kanyang kaibigan.

Nagtawanan lang sila ng maisipan nilang umuwi dahil maghahapon na rin.

"See you tomorrow Ash!"

"Ikaw rin"

Athena's POV

Ang saya ko ngayon. Nagkita na naman kami ng bestfriend ko.
By the way, ako nga pala si Athena Aphrodite Monte de Ramos. 7 years old pa ako.Alam niyo ba kung bakit yan ang pangalan ko?

Ang sabi sa'kin ni mommy, pinangalan daw niya sa'kin yan dahil noong pinanganak niya ako, ang ganda ko raw. Sabi niya parang biniyaan daw ako sa ganda ni Goddess Aphrodite at sa tingin daw niya, matalino daw ako gaya ni Goddess Athena kaya ayun, pinangalan niya ako sa dalawang Greek Goddesses.

Kakauwi ko lang dito sa bahay or should I say mansion. Hindi naman sa nagmamayabang pero mayaman kami. Halata naman diba, haha.

Galing kasi ako sa secret garden dun sa park. Walang ibang tao ang nakaka alam sa lugar na yun. Tanging ako at ang bestfriend ko lang ang nakaka alam dun. Kami kasi ang nakakita nun. Naghahabulan lang kami nun nang makakita kami ng isang gate sa tagong parte ng park. Nacurious kami kaya tiningnan namin kung ano nasa likod ng gate at doon namin nakita ang garden. Tutal wala namang may alam sa lugar, ginawa namin yung favorite place namin.

Daldal ako nang daldal tungkol sa bestfriend ko pero hindi niyo pa alam kung sino siya. Ang pangalan niya ay Ash Clifford Buevara.

Nagkakilala kami nung inaway ako ng isang grupo ng mga bata at pinagtanggol niya ako. Nabugbog nga siya nun. Naalala ko parin yun.

~Flashback~

"Hoy panget! Alis ka nga diyan! Sa amin ang lugar na iyan!" sigaw ng isang babae sa akin.

"Pero wala namang nakalagay na pangalan niyo ah" sagot ko.

"Aba't sumasagot ka ah! Sino ka ba ah?! Walang hiya ka at sumasagot ka sa 'kin!" sigaw niya at sinabunutan ako. Sinipa naman ako nung mga kasama niyang lalaki.

"Please t-tama n-na" iyak ko nalang.

"Hahaha nararapat lang yan sa'yo. Dapat hindi mo sinagot si Queen Faye" sabi nung kasama niya.

"P-please....m-masakit na" pagmamakaawa ko sa kanila pero hindi pa rin sila humihinto. Ang sakit na talaga ng katawan ko. Narinig ko namang may sumigaw.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sakanya?! Hindi ba kayo naaawa?!" base sa boses mukhang lalaki to.

"Huwag ka ngang makialam kung ayaw mong bugbugin ka rin namin" banta nila.

Imbes na lumayo pumunta pa siya sa harap ko at pinagtanggol ako.

"Subukan niyo lang basta hindi ko siya hahayaang masaktan" sabi nung lalaki na nagligtas sa akin.

"Aba't matigas ka rin ah!" sabi nila at sinuntok siya pero sumuntok rin siya pabalik hanggang sa pinagtulungan nila siyang bugbugin.

"Tama na nga yan! They already deserve it kaya umalis na tayo" at pagkasabi niya nun ay umalis na sila.

Lumapit naman ako dun sa lalaking nagligtas sa'kin.

"Hoy okay ka lang? Pasensya ka na at nadamay ka pa sa gulo ko" pagpapaumanhin ko. Ngunit napatigil ako nung makita ko ang kanyang mata. It's green.

Dati [ON-HOLD]Where stories live. Discover now