Chapter 4: Forgotten and Hurt

52 2 2
                                        

Athena's P.O.V.

"Kilala mo ako?"

Para namang natauhan ako sa sinabi niya. Hindi ba niya ako kilala?

"Miss, I'm asking you" sabi nung lalaking nakabangga ko. Hindi ako nagkakamali, siya nga ito. Pero, bakit hindi niya ako kilala.

"Don't you know who I am?" biglang naiusal ko dito. Tumaas naman ang kanyang kilay.

"Bakit, nagkita naba tayo?" sabi nito. Para naman akong sinaksak sa dibdib ng sinabi niya yun.

"I'm sorry, I thought you were someone else" paghihingi ko ng paumanhin dito but I know deep inside that its him. Hindi na siguro niya ako naaalala.

"Well I'm not him so stop thinking about it" sabi niya at naglakad palayo.

Unti unting bumuhos ang aking mga luha. Ang sakit. Hindi na ba niya ako naaalala? Hindi niya ba naaalala ang pangako namin sa isa't isa. Bakit ganun? Ineexpect ko naman na mangyayari to pero bakit hindi ko pa rin kayang tanggapin. May part pa rin sakin na umaasang naaalala niya pa ako pero mukhang umasa lang ako sa wala.

Pinunasan ko ang mga luhang walang tigil na umaagos at agad kong pinulot ang mga papeles na nalaglag nung nagkabanggaan kami. Ni hindi nga man lang niya ako tinulungan o kahit man lang nag sorry. Ang Ash na kilala ko ay isang gentleman at palaging akong tinutulungan. Pero, mukhang nagbago na siya. Siguro nga, kailangan ko na siyang kalimutan.

Nang matapos na akong pulutin ang mga papeles ay pumunta na ako sa office ni tita at binigay sa kanya ang mga ito. Nagtaka nga siya kung bakit daw ganun ang itsura ko pero sinabi ko lang na wala lang yun. Umuwi naman ako kaagad.

Pagdating ko sa mansyon, sinalubong ako kaagad ni Alice.

"Oh bakit ngayon ka lang?" tanong nito. Pero natigilan naman siya nang makita ang itsura ko.

"Teka anong nangyari sa'yo? Galing ka bang umiyak?" dagdag niya pa at halata ang pag aalala sa boses nito.

Bigla namang bumuhos ang aking mga luha at napayakap nalang ako sakanya. Nagulat naman siya sa biglaang pag iyak ko pero nang makabawi ay hinagod niya ang likod ko at iginaya ako patungong kuwarto ko.

"Now, tell me what happened?" sabi nito nang makaupo na kami sa kama.

Humagulgol na naman ako at niyakap ako nito.

"Ang s-sakit Alice....ang sakit sakit. Hindi niya ako maalala" saad ko rito at patuloy parin ito sa pagpapatahan sakin.

"Bakit ganun?....Inasahan ko namang magiging ganun ang reaksyon niya pero bakit ang sakit parin?"

"Pinangako niya sakin na hindi niya ako kakalimutan pero bakit ngayon, hindi niya ako kilala?.... Umasa lang ako sa wala... Ang sakit lang isipin na kinalimutan na ako ng bestfriend at ang nag-iisang lalaking minahal ko" patuloy lang ako sa pag iyak habang nakikinig naman si Alice sa mga sinasabi ko. At oo, tama kayo ng narinig. Mahal ko si Ash.

Simula nung pagkabata namin ay mahal ko na siya pero tinago ko lang ang nararamdaman ko dahil ang bata pa namin masyado para mag lovelife at dahil natatakot rin ako na mag iba ang pakikitungo niya sakin at hindi na kami magiging magkaibigan. Akala ko nga mawawala lang yun dahil ang bata pa namin pero hindi eh, mas lumala pa nga. Lalo na nung umalis kami at pumuntang States, habang palaki ako ay mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal ko sakanya at parang nangungulila din ako sakanya.

"Siguro dapat ko na rin siyang kalimutan...pero parang hindi ko kaya...sabihin mo nga Alice, ano bang pwede kong gawin?"

"Athena, ang tanging maipapayo ko lang sayo ay mag usap muna kayo... Linawin mo kung hindi ka na ba niya talaga maalala at kung hindi na, dapat kalimutan mo na rin siya" sabi ni Alice.

"Pero hindi ko kayang kalimutan ang mga oras na magkasama kami noong una pa"

"Hindi ko naman sinasabi na dapat mo na talagang kalimutan...I'm just saying that you should just treasure those memories and leave it all in the past... 11 years na ang nakaraan at marami na rin siguro ang nangyari sa buhay niya....kaya please, let him go Athena...marami namang mga lalaki dyan at sigurado akong mahahanap mo rin ang taong nakatakda sayo...hindi naman pwedeng palagi mo na lang siyang iiyakan...a guy like him isn't worth your tears...so please, tahan na" mahabang litanya nito.

Maybe she's right. Maybe I need to move on.

"Just give me some time to think" saad ko dito at tumango naman siya.

"Okay, just rest for now..I'll see you tomorrow" sabi ni Alice bago lumabas sa kuwarto ko.

Humiga lang ako sa kama at tumitig sa kisame.

Siguro ito na ang oras para kalimutan ko na siya. Pero gusto ko muna siyang kausapin bago ko yun gawin. Siguro hahanap nalang ako ng tamang tiyempo para gawin ko yun.

Sa lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Alice's P.O.V.

Naaawa na talaga ako sa pinsan ko. Halos araw-araw na talaga siya umiiyak dahil sa lalaking yun. Matagal nga bago siya naka recover pero ngayon, bumalik ulit siya sa pag iyak.

Nakuu!! Nanggigil talaga ako sa lalaking yun. Pinaiyak niya ng todo ang pinsan ko. Pepektusan ko talaga ang lalaking yun kapag nagkita kami. Maghanda lang talaga siya.

Simula pa lang ay napansin ko na talaga na may pagtingin si Athena sa Ash na yun. Palagi nga niya siyang nababanggit nung nasa States pa kami.

Sinubukan kong ipa move on ang pinsan ko sa lalaking yun. Pina date ko pa nga siya sa mga iba't ibang lalaki pero ayaw eh, hindi talaga gumana. Nahulog na talaga ng tuluyan ang pinsan ko at ang kinatatakot ko ay walang sasalo sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik na sa kuwarto ko. Pagbalik ko ay bigla namang nag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko yung caller at si tita Hailey pala, ang mommy ni Athena.

"Hello tita?"

"Hello Venice, kamusta na kayo diyan?"

"Okay naman po...at tita naman eh, sabing 'wag Venice ang itawag sakin...Alice nga po"

Tumawa naman siya ng mahina.

"Oh siya, how's Athena doing?"

Napalunok naman ako. Hindi niya dapat malaman na umiyak si Athena. Sigurado akong mapapraning ito at uuwi talaga dito sa Pilipinas. Ganyan nila kamahal ang kanilang anak. Tinatrato nila itong prinsesa at hindi nila hinahayaang sinasaktan ito. Kahit konting gasgas nga lang, nag aalala na. Mas lalo lang silang mag alala kapag nalaman nilang yung childhood bestfriend pa niya ang may kagagawan nito. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol sa nararamdaman ni Athena kay Ash.

"Umm okay lang naman po siya tita.."

"That's good...may I talk to her?"

Pinagpawisan naman ako.

"A-ah na-natutulog pa po kasi siya eh..pero hayaan niyo, sasabihan ko nalang siya na tumawag kayo"

"Please do...I have to go now...tatawag ulit ako soon"

"Sige po tita, bye" sabi ko at in-end ko na yung tawag.

Shocks! Muntik na! Buti nalang naka isip ako kaagad ng paraan. Napabuntong hininga nalang ako at agad na humiga sa kama at natulog.

*********
Tagal ko ring hindi naka update ah...anyways, here is chapter 4...hope u like it

Dati [ON-HOLD]Where stories live. Discover now