Athena's P.O.V.
Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang tunog ng alarm clock ko.
5:38 a.m.
Tumayo na ako at pumunta kaagad sa banyo para maligo. Wala ako sa mood ngayon. Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari.
After 1 hour
Natapos ko na rin lahat ng mga morning rituals ko at nakabihis na rin ako ng uniform. Bumaba na ako at nadatnan ko naman si Alice na kumakain. Napangiti naman ako dahil sa nakikita ko. Kahit kailan talaga ang takaw niya. It's good to see some things never change.
Hindi tulad sa kanya na ang laki na nang pinagbago.
Napabuntong hininga naman ako at pumunta na sa hapag at kumain. Napatigil naman si Alice sa kanyang paglamon (A/n:hehe peace tayo novs) nang makita ako. Nilunok niya ang kanyang kinain at umubo.
"Okay ka na ba?" sabi nito at bakas sa mukha ang pag alala.
"Siguro huwag ka munang pumasok...sasabihan ko na lang si tita Marigold" dagdag pa nito. Napangiti naman ako. Masaya ako at nag aalala siya para sakin pero dapat hindi ko ipakita na mahina ako.
"Yeah, I'm fine" sabi ko dito at ngumiti ng konti pero halata parin na hindi siya kumbinsido.
"Nag eenglish ka kaya meaning lang nun, hindi ka okay.... Kilala na kita Athena at alam ko na ang mga kinikilos mo" sabi nito sa seryosong tono.
Minsan lang ako tinatawag ni Alice ng Athena at yun ay kung seryoso ito. At iba talaga ito pag seryoso.
I'm really glad na nandito si Alice para tulungan ako sa mga problema ko. She's always there for me in times na kailangan ko ng karamay at tinuturing ko na rin siya bilang nakakatandang kapatid.
"It's okay...I'll get through this, somehow...hindi pwedeng umabsent ako dahil kahapon pa lang tayo nagsimulang pumasok...hindi naman siguro maganda kung aabsent ako sa second day of school ko" sabi ko dito.
Tumango na lang ito at hindi na nagsalita pa.
*fast forward*
Break time na at nandito ako ngayon sa garden ng school, pinapakiramdaman ang sariwang hangin.
Tumingin ako sa bughaw na langit at naalalang bibisita pa pala ako sa secret garden dun sa park. Siguro mamayang hapon na lang.
I wonder...Pupunta rin kaya siya dun? Malamang hindi dahil wala naman siyang dahilan para pumunta pa dun. Kailan ko kaya siyang balak harapin at sabihin ang mga tanong na gumugulo sa isip ko?
Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na para bumalik sa room dahil malapit nang matapos ang break time.
*fast forward*
Nandito kami ngayon sa classroom at kasalukuyang ina-assign kami ni ma'am Vidad sa permanent seating arrangement namin. Hindi ko alam kung may galit ba ang mundo sakin at katabi ko pa talaga si Ash. Sunod naman kay Ash ay si Alice at katabi naman nito ay yung lalaking palaging kasama ni Ash. Bali ganito ang position namin.
Kaibigan ni Ash/Alice/Ash/ Me|window
Hahays!! Bakit ba ang lupit ng tadhana. Kung sino pa yung gusto mong iwasan, palagi nalang kayong pinagtatagpo.Well, wala naman akong magawa kaya titiisin ko nalang.
"Okay class, since hindi pa kayo lubusang kilala ng mga transferee ay mag i-introduce kayo...sorry kung hindi natin ito nagawa kahapon" sabi ni ma'am at nagsimula na silang mag introduce. Halos lahat ay natapos na at yung kaibigan na lang ni Ash at siya ang kulang.
"Clyde Licodine here...21 years old" sabi nung kaibigan ni Ash at ngumiti ito ng tipid.
"Ash Clifford Buevara" malamig na saad ni Ash at umupo na ito. Hay! Ibang iba na talaga siya sa Ash na kilala ko.
"Okay, since you all already introduced yourselves, let's now start our class"
Nagstart na ng class si ma'am Vidad at nakikinig lang ako.
Tulong mga bes, ang AWKWARD ng atmosphere!!!Para na akong nasusuffocate sa atmosphere dito pero yung katabi ko ay ewan lang. Parang ako nga lang ata ang naapektuhan dito at siya ay tahimik lang habang naka headset at natutulog sa desk.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang mukha. Ang gwapo pa rin niya. Mas gumwapo pa nga.Ang kanyang matangos na ilong, mahahabang pilik mata, kanyang maninipis at kissable na lips---- ay erase erase!!!! Hindi ko siya minamanyak ah!! No hindi....
Nagulat naman ako nang dumilat ang kanyang mata at agad akong umiwas ng tingin. Grabe, nakakahiya! Feeling ko namumula ako. Baka nahuli niya akong nakatingin. Baka isipin niyang binobosohan ko siya.
Bakit, hindi ba?
Aish!! Tumahimik ka nga brain...wala wala na akong gusto sakanya... Mag momove on na ako.
Sus! Kunwari pa eh! Denial lang
Hindi nga eh!!
Siguro para na akong baliw dito na umiiling iling nang walang dahilan.
"Hoy, baliw ka na ba?!"
Napatalon naman ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko. Tiningnan ko ito at nakita si Alice na nakakunot noo. Hindi ko namalayang tapos na pala ang klase.
"Papatayin mo ba ako sa gulat ha?!" bulyaw ko dito. Siguro kung may heart disease ako, kanina pa ako na deds dito.
"Eh pano ba naman iling ka ng iling...nagmumukha ka na ngang baliw eh" sabi rin nito.
"Tch, tara na nga" sabi ko nalang dito at tumayo na.
*********
And that's all for chapter 5....Hehe sorry talaga novs ah pero napagtripan ko lang talaga ang gawing loveteam kayo ni Clyde...pano ba naman hindi nangyari yung ship ko in real life, kaya kahit dito man lang sa Wattpad ay mangyari ito...
![](https://img.wattpad.com/cover/143293371-288-k969999.jpg)
YOU ARE READING
Dati [ON-HOLD]
RomanceThere was a rich girl named Athena Aphrodite Monte de Ramos who had a boy bestfriend. They were quite close to the point that they knew almost all about each other. They always see each other at their favorite place, the secret garden that they foun...