Chapter 7: New Friends

50 3 0
                                    

Athena's P.O.V.

Nandito kami ngayon ni Alice sa classroom at kasalukuyang naghihintay sa professor namin. Ang tagal naman 'nun. Ano naman kayang ginawa nun at natagalan pa siya.

Hindi pa nga umabot ng isang minuto ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun si ma'am Vidad.

"I"m sorry if natagalan ako, nagkaroon kasi ng emergency meeting ang mga faculty staffs" sabi ni ma'am at pumuwesto na sa gitna.

"Okay class, sa pagpupulong namin kanina, sinabi ng principal na ngayon tayo mag e-elect ng ating mga classroom officers at mamayang hapon ay ang opening ng mga clubs so you better decide on which club you're going to join"

Pagkasabi ni ma'am nun ay umingay na naman ang buong classroom.

*Sa mga side sa classroom officers*

"Sino kaya ang magiging class pres natin noh?"

"Oo nga, sana si Athena"

"Eh? Mas maganda kung si Venice ang class pres at si Athena naman ang vice pres"

"Oo nga noh? Balita ko rin kasi hindi daw hilig ni Athena ang pagiging president"

"Uy dapat si Ash ang magiging Prince Charming natin"

"Tama tama..."

*Sa mga side sa clubs*

"Ano kayang club ang sasalihan nilang  Athena?"

"Oo nga noh?"

"Baka sa Artist Guild...balita ko daw mahilig sa arts si Athena"

"Oo nga....feeling ko rin sa Theatre Club sasali si Venice...magaling din daw kasi siya umacting"

"Naku, sana sa Sports Club pa rin si fafa Ash at Clyde....para naman pareha kami ng club na sasalihan"

"Oo nga bes...at para madalas na rin natin silang makikita"

Oh diba? Hindi nga sila nag-abalang pag isipan kung saan sila sasali. Yung sasalihan talaga namin ang tsinismis nila. Mga taong walang magawa sa buhay nga naman.

Pagkaraan ng ilang oras ay nag bell na, pahiwatig na break time na.Agad silang nagsilabasan pero nag-uusap pa rin sila tungkol sa election at opening sa clubs. Hays.

Agad namang tumayo itong katabi ko. Oo nga pala, katabi ko nga pala si Ash. Naglakad na siya palabas at sumunod naman si Clyde sakanya.

"Uy tara na Athena, nagugutom na ako" sabi ni Alice nang makalapit na siya sakin. Tumango lang ako dito.

********

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kasalukuyang nagkukuwento si Alice tungkol sa pag uusap nila ni Clyde kanina.

"Oh my gee talaga dzaii!!! Gikilig kaayu gyud ko ganiha" pagtitili nito.

"Hindi nga halata" pagsasabi ko dito. Eh pano ba naman, nag Bisaya lang naman siya pahiwatig na kinikilig talaga siya.

"Imagine that, nakipag usap sakin si crush...pinakilala pa niya yung sarili niya sakin at nagtanong kung pwede ba daw maging friends kami" pagkukuwento niya na may halong pait dun sa "friends" na word.

Napatawa naman ako dun.

"Hahaha friend-zone lang aber" sabi ko dito. Umirap lang ito.

"Che! Wag mo na ngang banggitin...sure rin naman akong gi-give in rin siya sa alindog ko" sabi nito sabay flip hair.

Napailing nalang ako sa inasta nitong pinsan ko. Hahays, kahit kailan talaga.

Napatigil naman ako sa pagtawa nang makarinig ako ng singhap. Tiningnan ko ang paligid at nakita kong nakatingin ang lahat ng tao dito dun sa may counter.

Dati [ON-HOLD]Where stories live. Discover now