Athena's P.O.V.
Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si Alice na kanina pa bumubula yung bibig kakasalita. Grabe! Ang ingay talaga ng babaeng to. Kumakain lang ako dito ng pancake at cookies and cream na ice cream...hmm yum.. My favorite*o*
"Uy couz, alam mo ba, ang gwapo ng katabi ko!!" sabi nito at halatang kinikilig. Hay naku! She's really hopeless...pag gwapo talaga ang pinag uusapan ay talagang in na in talaga ang pinsan ko.
"Crush ko na siya..Clyde ata yung pangalan niya" Oh tingnan niyo, hindi pa nga lubusang kilala, crush na agad. Hay naku, Maria Venice...you're hopless..Pero 'wag kayo ah, lab ko pa rin yan kahit baliw na baliw sa mga lalaki.
Bigla naman sumeryoso ang mukha ni Alice.
"Siya yun, diba?" tanong nito at alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya. Hindi ako nakasagot.
"Silence means yes...."
"Anyway, okay ka lang ba?..I mean, katabi mo siya, okay ka lang ba sa sitwasyon mo? You know I can ask na ipalipat ka na lang ng upuan" saad nito. Umiling naman ako sa dito.
"I'm okay...you don't need to do that" pagkukumbunsi ko sakanya pero alam ko na hindi din siya maniniwala.
Napabuntong hininga lang siya.
"Sometimes, you can be like a masochist...pwede mo naman ako sabihan ng mga problema mo"
Halata sa kanyang mukha ang pag aalala.
"I know, but this time, I need to do this myself...lalapit rin naman ako sa'yo kapag hindi ko na talaga kaya" sabi ko nalang sa kanya. Tumango na lang siya.
"Okay, if that's what you want"
***********
Nandito kami ngayon sa bahay, nanonood ng tv nang biglang nagsalita si Alice.
"Ay, oo nga pala! Tumawag pala si tita Hailey kagabi at kinakamusta ka" sabi nito. Kinabahan naman ako. Baka sinabi ni Alice yung pag iyak ko kagabi. Alam ko naman kung gaano yun mag alala, nagiging OA na eh.
"Don't worry, hindi ko sinabi kay tita...kaya, wag ka nang mabahala" saad niya at ngumiti. Napahinga naman ako ng maluwag dun. Yinakap ko siya at tumugon naman ito.
"Thank you couz"
"Wala lang yun" sabi nito sabay gulo sa buhok ko.
"Aakyat lang muna ako" sabi ko dito at tumango naman ito. Pumunta na ako sa kuwarto ko at humiga sa kama nang maalala ko na bibisita pala ako ngayon dun sa secret garden. Tumayo ako at nagbibihis ng damit.Bumaba na ako at nagpaalam na kay Alice na aalis ako. Hindi naman siya nagtanong dahil mukhang alam na nito kung saan ako patungo.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Ash. Maraming masayang alaala ang naiwan namin dun sa lugar na yun. Nandun kaya siya? Bumibisita pa rin kaya siya dun?
Dahil sa pag iisip ko ay nakabangga ako.
"Ay, pasensya na miss...nagmamadali kasi ako" sabi nung babaeng nakabanggaan ko at nagmamadaling umalis. Kumibit balikat lang ako at nagpatuloy nalang.
Ilang minutong paglalakad ay nakarating narin ako sa park. Agad ko namang tinahak ang daan patungo sa secret garden. Pagkakita ko nito ay agad bumalik sakin ang alaala naming dalawa habang naglalaro dito mismo sa lugar na to. Hindi ko maiwasang mapait na ngumiti dahil alam kong hindi na ulit kami magiging ganun kasaya dahil kinalimutan na ako nito.
Sumandal nalang ako sa puno na nasa gitna ng garden at pinikit ang aking mata habang dinadamdam ang sariwang hangin. Hindi ko maiwasang lumuha dahil naalala ko pa rin yung pangakong binitawan niya na hindi naman niya tinupad.
![](https://img.wattpad.com/cover/143293371-288-k969999.jpg)
YOU ARE READING
Dati [ON-HOLD]
RomanceThere was a rich girl named Athena Aphrodite Monte de Ramos who had a boy bestfriend. They were quite close to the point that they knew almost all about each other. They always see each other at their favorite place, the secret garden that they foun...