The photo above is Ash....
Pronounced as miraj po ang pangalan ng school...
**********
Athena's POV
Napagising na lang ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Ano ba yan?! Ang ingay! Kitang natutulog pa nga yung tao! I just turned it off and went to the bathroom then take a bath. While I was---- ay ano ba yan?! Bakit ba ako nag eenglish dito. Dumudugo na sariling ilong ko kakarinig lang sa mga pinagsasabi ko.
(A/n: dumudugo ilong mo...means nung nandun kayo sa States, nagtatagalog ka dun at dumudugo yung ilong mo kapag nagsasalita ang mga tao)
(Athena: tch...hindi naman sa ganun noh!)
Habang nandito ako sa banyo, may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.
"Couz, nakalimutan ko pa lang ibigay sa'yo ang uniform at ang schedule...ilalagay ko lang dito sa kama mo!" rinig kong sigaw ni Alice galing sa kuwarto ko.
"Salamat!" sigaw ko pabalik. Narinig ko namang sumirado na ang pinto sa kuwarto ko. After ng ilang minuto, natapos na rin ako.
Lumabas na ako sa banyo at nakita ko naman ang aking uniform.(A/n: these are the uniform for the girls and boys....sorry kung may kapareha ako...kinuha ko lang kasi ito sa google...credits to the owner)
Hmm...maganda rin siya. Sinout ko na ito at sinuklayan ko na ang aking buhok. Pinatuyo ko na rin ito.
"Ma'am, the food is ready" rinig kung sabi ng isa sa mga maids sa labas ng kuwarto.
"Okay, I'll be right down"
Tiningnan ko muna ang sarili ko sa isang full length mirror at nang masatisfied na ako, bumaba na ako.
Nang makarating na ako sa dining table, nakita ko si Alice na kumakain na.
"Oh couz, halika na at kumain bago pa tayo malate" sabi niya habang puno ng pagkain ang bibig. Napailing na lang ako. Motto kasi ng babaeng yan ang "Food is layp".
Nagsimula na rin akong kumain at after that, bumalik ako sa kuwarto ko at nagtooth brush pagkatapos ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng kuwarto. Nakita ko namang sabay kaming lumabas ni Alice kaya sabay kaming bumaba.
"Si Robert ang maghahatid sa inyo sa school...mag-iingat kayo mga iha" sabi ni Manang Grace.
"Thank you manang at opo, mag-iingat rin kami" sabi ko na lang at sumakay na sa kotse. Ganun rin ang ginawa ni Alice. Pinaharurot naman ni manong Robert ang kotse at umalis na kami sa mansyon.
*****
Nandito na kami. Bumaba na kami sa kotse ni Alice. Pero bago ako tuluyang bumaba, may sinabi muna ako kay manong.
"Manong ite text ko na lang kay manang kung magpapakuha na kami" sabi ko kay manong Robert.
"Sige iha" sagot niya at bumaba na rin ako. Pagkatapos nun ay umalis na si manong.
YOU ARE READING
Dati [ON-HOLD]
RomansaThere was a rich girl named Athena Aphrodite Monte de Ramos who had a boy bestfriend. They were quite close to the point that they knew almost all about each other. They always see each other at their favorite place, the secret garden that they foun...