Chapter 3: Fateful Encounter

55 3 0
                                    

Athena's POV

Tapos na kaming mag lunch at papunta na kami sa office ni tita.

"Kamusta na kaya si tita?...matagal na rin nung last ko siyang nakita" sabi ni Alice.

Naglalakad lang kami dito sa hallway nang may dumaang dalawang lalaki. Paglagpas nila, parang nanindig lahat ng balahibo ko. Tumingin ako sa likod at hindi ko na nakita yung lalaki.

"Hmm..odd" tanging nasabi ko.

"Oh bakit huminto ka diyan?...Halika na baka mapagalitan pa tayo ni tita" sabi ni Alice. Tumango lang ako.

Tahimik lang akong naglalakad habang si Alice ay daldal ng daldal.Hindi pa rin talaga maalis sa aking isip yung naramdaman ko kanina. 'Ano ba yun?' tanging nasabi ko na lang.

"ATHENA!!"

"Huh?...ah..eh ano nga yung sinabi mo?" sabi ko habang napakamot sa batok ko.

"Ang sabi ko nandito na tayo"

Tiningnan ko naman kung nasaan kami at tama nga siya. Nandito na nga kami. Hindi ko man lang napansin.

"Ano bang nangyayari sa'yo?..palagi ka na lang nakatulala" tanong ni Alice sa'kin.

"Wala lang to...may iniisip lang ako" sabi ko sakanya.

Tumango na lang siya. Kumatok na kami sa pinto ng office ni tita.
Maya-maya may narinig kaming "pasok" kaya pumasok na kami. Nakita naman namin si tita na nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Hi tita" sabi ni Alice.

"Oh, why it isn't my two beautiful niece....kamusta na kayo? Ang laki niyo na ah....dalaga na talaga" sabi sa amin ni tita Marigold.

"Okay lang naman kami tita" sabi ko sakanya at niyakap siya. Tumugon rin siya sa yakap. Kumalas na ako sa yakap at umupo sa couch malapit sa kanyang desk.

"So, how was your stay in the States?"

"It was fine...at first ay naiilang pa ako sa mga tao pero naka adjust naman ako"

"I see" sabi niya habang tumatango-tango.

"And how was your first day at my school?"

"Naku tita...okay lang naman pero may mga inggetera talaga na insecure sa beauty namin kaya pinag-uusapan kami ng kung anu-ano" saad naman ni Alice.

Napatawa naman ng mahina si tita dahil sa reaction ni Alice.

"Well that's how it is....sige na..mamaya nalang natin ituloy ang conversation natin... pumunta na kayo sa klase niyo"

"Okay....aalis na po kami" sabi namin ni Alice at lumabas na sa kanyang office.

~fast forward~

Uwian na. Nagliligpit na ako sa mga gamit ko habang hinihintay ako ni Alice sa labas.

Tiningnan ko naman yung lalaki sa likod ng upuan ko at nakita ko siyang natutulog naman. Ginigising na rin siya nung katabi niya. Mukhang kaibigan niya ata.

"Couz! Bilisan mo nga!" sabi sa'kin ni Alice.

"Heto na po nagmamadali na" sabi ko sakanya. Tumayo na ako at pumunta sa kinaroroonan niya. Hinatak naman ako ni Alice palabas pero bago kami maka alis, nakita ko yung lalaking nakaupo sa likod ng desk ko na tumayo. Hindi ko gaano naaninag ang kanyang mukha dahil na rin sa hatak nitong pinsan ko. But there was one thing that I noticed in him, green eyes....

********

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Nakahiga lang ako at tumitingin lang sa kisame. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Green eyes... Si Ash lang ang kakilala ko na may green eyes. Pero, baka naghahallucinate lang ako. Pero hindi eh....sigurado akong totoo talaga yung nakita ko...

Haay...sumasakit na yung ulo ko kakaisip. Pumunta nalang ako sa veranda dito sa kuwarto ko. Pagbukas ko sa sliding door ay naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin. Pumunta ako sa railings at tinanaw ang langit. Kamusta na kaya si Ash? Sana okay lang siya. Sana mahanap ko na siya. Namimiss ko na talaga yung bestfriend ko. Napatingin naman ako sa garden namin at naalala ang secret garden doon sa park.

"Hmm bumisita kaya ako doon bukas?" tanong ko na lang sa aking sarili. Magandang ideya rin naman kung bibisita ako dahil namimiss ko na rin naman ang lugar na yun. At may chance rin na pupunta si Ash dun.

Mga ilang minuto rin ang lumipas bago ko napag isipan na pumasok. Sana makita ko siya bukas.

*******

Nandito ako ngayon sa school. Lunch break na namin at nililigpit ko na lang ang mga gamit ko. Nakita ko naman si Ma'am Vidad na nagliligpit rin ng kanyang mga gamit. Ang dami naman ata. Mukhang kailangan ng tulong ni maam.

"Umm ma'am, kailangan niyo po ba ng tulong?" tanong ko.

"Oo sana eh pero baka maabala ko naman kayo" sabi niya.

"Naku ma'am okay lang po...saan po dito yung kailangan niyo ng tulong?"

"Kailangan ko kasing dalhin ang mga papeles na to kay miss Marigold...pwede bang ikaw na lang ang magdala nito sa kanya?"

"Okay lang po ma'am" sabi ko sakanya at kinuha ang mga papeles. Marami-rami rin pala to.

"Salamat sa tulong Miss Athena" pagpapasalamat ni ma'am.

"Naku ma'am tawagin niyo na lang po akong Athena.. studyante niyo naman po ako" sabi ko sakanya.

"Okay" sabi niya sabay ngiti.

"Sige po ma'am, dadalhin ko na po to". Tumango naman siya.

******

Naglalakad lang ako dito sa hallway patungong office ni tita. Walang tao dito. Mabuti naman dahil halos hindi ko na makita yung dadaanan ko sa dami nitong mga papel. Baka makabangga pa ako ng tao pagnagkataon.

*Bogsh*

"Aray" sabi ko. Ang sakit ng pwet ko. Pano ba naman eh may nakabangga sa'kin. Ayan tuloy, nahulog yung mga papeles.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" bulyaw sa'kin nung nakabangga ko.

Tumayo naman ako para humingi nang paumanhin.

"Pasensya na-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang makita ko yung mukha ng nakabangga ko. I was frozen in my spot. Those green eyes....I can't be mistaken.

"Ash" mahinang sabi ko.

Mukhang nagulat din siya nung makita niya ako. Pero agad ding napalitan ng blanko ang kanyang mukha.

"Kilala mo ako?"

*******

And thats where chapter 3 ends.... sorry kung matagal yung naging update ko...busy kasi ako...anyways hope you like it..

Dati [ON-HOLD]Where stories live. Discover now