Chapter 3

73 7 2
                                    

Ang Simula

Hindi ko akalain na ganun ang mangyayari sa amin ni PJ. Napakasama ko ba para gawin yun? Halos parang napagtulakan ko na siya palayo. Kaya ako na ang gagawa ng way para makapag sorry 😐.

"Hi Kuya PJ"
"Oh? Hello bakit ka nagtext?"

"Sorry pala kuya kanina sa inasal ko"
"Intindihin mo din naman sana yung mararamdaman ng ibang tao hindi lang lagi na ikaw! Wala naman masama sa ginagawa ko"

"Sorry na please hindi na mauulit promise"
"Ok but in a one condition"

"Hmmmm. Ano yun?"
"Liligawan kita"

"Luh seryoso ka? Para kang sira! Hello bakla po ako tapos lalaki ka"
"Oo seryoso ako! Walang problema sa akin kahit ano ka pa!"

"Ok kuya kung san ka masaya"
"One more thing wag mo ko tatawaging kuya ok!"

"Ok. Bawi ako next time kain tayo sa labas ako ang taya."
"Sige sure!"

Hindi ko alam kung seryoso ba siya oh hindi basta bahala na kakayanin ko naman siguro.

-ting-message tone

"Jake kamusta? Para kang sira kanina dapat di mo ginanun si PJ. So what's your plan?"

-roxy

"Bukas na lang tayo mag usap sa school. Good night!"

Napapaisip ako sa mga bagay n pwede mangyari kagaya na lamang ng nangyari sa akin noon at sa una kong boyfriend.

PAG ALALA SA NAKARAAN

High school pa lamang ako noon, siguro nasa mga edad katorse ako ng una akong nag ka boyfriend. Nakilala ko siya dahil kabarkada din siya ng mga kaibigan ko noong high school. Hindi kayo maniniwala na ang mga kabarkada ko ay puro lalaki at lahat sila ay kasali sa fraternity maliban sa akin. Itinuring nila akong bunso dahil ako ang pinakabata sa kanilang lahat nasa 20 pataas na kasi sila.

Isang araw napakalakas ng ulan madilim ang paligid kaya't nag kaayaan kami na mag inuman. Lima kaming lahat si KEN, KAYZR , JEFF , PHILIP AT AKO. Deretso kami sa bahay nila Ken kasi mag isa lamang siya doon nasa ibang bansa ang mga magulang kaya malaya kahit anong gawin niya.

"Pareng Ken ano darating ba si JEFFREY? Ipapakilala natin kay Jake"
-kayzr

"Oo darating daw siya baka maya maya andito na alam mo naman yun masyadong maarte haha"

"Ah oo nga pala nakalimutan ko."

"Teka Jake wag ka masyado mag pakalasing may bisita ka mamaya"

"Bisita? Wla naman ako ineexpect n bisita"

"Basta meron ano nga mga Pare"

"Oo meron nga!" Sigaw ng mag kukumpare.

Tok tok tok

"Ayan na si pareng Jeffrey"
"Woaaah ang bango aah mukhang pinaghandaan"

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Ken. Napatingin ako kay Jeffrey, gwapo nga tama nga sila.

Love is Like a Game [Book 1 Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon