Chapter 13

28 5 0
                                    

Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya. Naging pala isipan sa akin kung bakit ganito siya. Kapag tinatanong mo naman siya sasabihin lang im ok kahit mga magulang niya wala naman nakukwento kung ano ba talag ang pinagdadaanan ni Mark.

Kinaumagahan nag hahanda na ako ng almusal papasok ako sa school at papasok naman siya sa opisina. Nang tinawag ko siya inabot ko na naman na nakahubad pa hindi pa tapos mag bihis.

"Boss bakit may pasa ka uli?"
Pagtatanong ko habang sinusuotan ko siya ng longsleeve.
"Ah baka gawa ng gigil mo kagabi boss" tila may tinatago pa din

"Ah sorry.. lika na kakain na tayo malalate na tayo"
"Sige boss sunod na ko"

Kumakain kami ng mapansin ko na bakit parang pumapayat si Mark? Kung titingnan mo siya para siyang pagod lagi.

"Boss are you ok?"
"Yeah boss im ok why?"

"Ah wala naman may napapansin lang ako"

After namin kumain at matapos na lahat ng gawaing bahay sabay n kami pumasok as usual daily routine ihahatid muna niya ako sa school bago siya pumasok sa kanyang trabaho.

"Good bye boss ingat ka iloveyou"
"Don't say good bye hindi pa ako mawawala"

"Eto naman parang uto"
"Sige na boss see you later at home"

Kinakabahan ako sa tuwing sasabihin niya ang mga ganung bagay tila ba nag papaalam lagi.

Lumipas ang buwan at ganun pa din kami ni Mark. Mas naging agressibo siya sa sex halos lahat na ata ng parte sa bahay ay pinagdausahan na naming dalawa. Lahat na ng posisyon ay nagawa na namin. Yan ang hinahabol ng mga babae sa kanya magaling siya sa kama. Kaya ako nag tataka kung bakit ako ang napili niyang maging ka live in partner.

Umabot na kmi ni Mark ng 1 year. Gagraduate na din ako ng college. Nasabi na namin sa magulang ko ang sitwasyon namin. At tulad ng inaasahan nagalit sila sa simula pero unti unti din nila natanggap.

Nag celebrate kami ni Mark ng 1st year anniversary namin sa tabing dagat. Kung saan kami lang dalawa ang tao.

"Surprise boss"
"Wow ang ganda boss dito"

"Nagustuhan mo ba?"
"Yuph sobra ang ganda"

"Naalala ko kasi yung unang time na nilapitan kita. Diba sa tabing dagat tayo nag umpisa"
"Ah oo pero matagal na yun aah bakit tanda mo pa din"

"Gusto ko kasing maging memorable ang first anniversary natin"
"Ang sweet mo boss"

"Oo nga eh baka nga hanap hanapin mo"
"What do you mean boss?"

"Ah wala, ibig ko sabihin baka hanap hanapin mo yung dating moment"

Hindi ako satisfy sa sagot na ito ni Mark. Isang taon na kami pero wala pa siya nakukukwento tungkol sa kanya kung bakit siya ganyan.

"Halika boss dun tayo sa tabi ng dagat malapit na lumubog ang araw"
"Sige boss maganda yan"

Umupo kami sa tabing dagat, nakaakbay siya sa akin at nakahawak naman ako sa kanang kamay niya.

"Nakakatuwa no Jake?"
"Ang alin?"

"Ang bilis ng panahon parang kelan lang"
"Ah oo nga eh"

Love is Like a Game [Book 1 Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon