Pag dating ko sa clinic makikita na sa mukha ko ang kaba at takot.
"Ok ka lang sir?"
"Yes im ok natatakot lang ako""Saan sir?"
"Takot kasi ako sa syringes at karayom""Nako sir ok lang yan."
"Oo kaya ko to para kay Mark"Bata pa lang kasi ako naoperahan na ako sa mata. Kayo bago mag simula ang operasyon nakita muna lahat ng mga gagamitin nila.
Natapos na ang pag kuha sa akin ng dugo. Medyo nahihilo ako kasi first time ko lang gawin yun.
"Ayan sir ok na. Maswerte ho si Mark at mag kamatch kayo ng dugo"
"Oo pero mas maswerte ako sa kanya"
"Sir nakakatuwa naman po love story ninyo ni sir"
"Talaga?""Oo sir bibihira kasi ang ganyan na same sex tapos magkasundo pa sa lahat ng bagay tapos nga mahal pa ang isa't isa."
"Salamat ha"
"Walang anuman sir""Sa tingin mo may chance na madugsungan pa ang buhay niya?"
"Hindi ko sir masasabi sorry"Para na akong Praning sa mga naiisip ko. Bumalik na ako sa room ni Mark. Pag silip ko nakita ko nag uusap sila ng mama niya kaya hindi na muna ako pumasok.
"Mark kumusta pakiramdam mo?"
"Im not ok Ma, kinakaya ko lang maging ok para kay Jake""Nak, alam mo may donor ka na ng dugo for free"
"Talaga ma? Paano?""Si Jake, magkamatch kayo ni Jake."
"Si Jake na naman, siya na lahat ang nagsasakripisyo para sa akin.""Mahal na mahal ka ni Jake nak, masaya ako at siya ang napili mo makasama sa buhay mo"
"Oo ma, kaso malaki ang kasalanan ko sa kanya. Itinago ko ang sakit ko na sana ako lang ang nagdudusa. Pero Ma, look at Jake nahihirapan na siya"
"Kahit hindi niya sabihin sa akin nararamdaman at nakikita ko yun sa mga mata niya"
"Gusto ko Ma, makita muli yung dating si Jake, yung masayahin, sweet, higit sa lahat ang pagiging makulit niya"
"Kaya nak lumaban ka, magpalakas ka para bumalik na kayo sa dati ni Jake"
"Gustuhin ko man Ma pero parang hindi ko na kaya"
Naiiyak na tinig ni MarkSa puntong iyon napakinggan ko lahat. Napaiyak na lamang ako sa aking pagkakatayo. Tama ba narinig ko hindi na niya kaya. Ayoko pa! Hindi ko kakayanin kung mawawala si Mark.
"Nak wag ka naman magsalita ng ganyan lumaban ka kasi lumalaban kami para sayo hindi ka namin susukuan" humahagulhol na tinig ng ina
Nag tungo ako sa chapel
"Papa God,
Alam ko ngaun lang uli ako lalapit sayo. Pero nakikiusap ako bigyan mo kami ng milagro. Tulungan mo po si Mark sana po gumaling na siya. Alam ko po na wala akong karapatan humingi sa inyo pero para na lang po kay Mark please"
BINABASA MO ANG
Love is Like a Game [Book 1 Complete]
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" There is a book 2 "The story of us" https://my.w.tt/6Gl18HqBW9 Book 3 https://my.w.tt/x3MRCrtBW9 GAY...