Isang paglalakad na dahan dahan na tila naglalakad patungo sa altar ang ginawa ni Jake. Palapit na sila ng palapit mula sa kinatatayuan ng kabaong ni Mark.
Ramdam ng buong tao ang sibugho ng damdamin ni Jake. Napakatahimik ng buong paligid. Dumating na sila sa tabi nito
"Mark? Maaaark!!!!" Sigaw sabay akap sa ataol ni Mark
"Totoo ngang wala ka na.. akala ko ba walang iwanan sabi ko sayo kapit lang ang daya daya mo Mark. Ang daya daya mo!"
"Anak kalamayin mo ang loob mo tatagan mo lang anak nandito kaming lahat"
"Akala ko ba kanina kasama lang kita, masaya tayo kaninang umaga habang pinapanood ang sunrise pero Mark bakit...."
"Nak halika maupo muna tayo"
"Ayoko Ma dito na lang ako sa tabi ni Mark. Nakikiusap po ako dito na lang ako..."
Hinayaan na ng mga magulang ni Jake na doon siya manatili sa tabi ni Mark. Walang tigil na pag buhos ng luha sa mga mata ni Jake.
Lumapit si James kay Jake upang subukang pagaanin ang kalooban
"Jake halika kumain ka na muna, hindi ka pa kumakain"
"Im ok James thank you" walang sigla habang hawak ang litrato ni Mark
"Pero Jake baka magkasakit ka na niyan sa ginagawa mo"
"Kakain ako kapag gusto ko!" Malalim na salita kasabay ng malalim na tingin
Umalis si James at pumunta sa mga magulang niya.
"Tita, Tito si Jake po kasi kagabi pa hindi kumakain, tapos po dumating ako kagabi lasing na lasing tapos kanina pong umaga bigla na lang nawala at pag balik po niya magkasama daw po sila ni Mark"
"Henry ang anak natin baka kung mapano na!" Pag aalala ng nanay ni Jake
"Hayaan mo Rita susubukan kong kausapin ang anak natin"
Agad na lumapit ang ama ni Jake.
"Jake nak magpahinga ka na muna, kumain ka na baka makasama sayo yan"
"Ok lang ako tay wag nyo ako alalahanin"
"Nak paano kami hindi mag aalala sayo eh sa nakikita namin pinapatay mo na ang sarili mo."
"Mas mabuti pa yung ganun para makasama ko na uli si Mark"
"Aba anak, kami nga nanay mo nandito pa ayaw naman namin maglibing ng anak. Hindi mo ba nakikita ang Mama ni Jake? Nahihirapan din siya makita ang anak niya na nakahiga sa kahon na iyan at iyan ang ayaw naming maranasan ng nanay mo"
BINABASA MO ANG
Love is Like a Game [Book 1 Complete]
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" There is a book 2 "The story of us" https://my.w.tt/6Gl18HqBW9 Book 3 https://my.w.tt/x3MRCrtBW9 GAY...