Patuloy pa din ang pag aalala ni James. Sinubukan niyang tawagan si Jake subalit sa hindi inaasahang panahon naiwan ni Jake ang kanyang cellphone na naka charge.
"Saan ba kita hahanapin Jake! Ang tigas naman kasi ng ulo!"
Maya maya pa ay may nag susi na ng pinto. At last dumating na din si Jake.
"Jake!" Sabay akap ni James
"Bakit?"
"Saan ka ba galing? Kanina pa ako nag aalala sayo"
"Ok ako! Salamat!"
"Saan ka ba nagpunta?"
"Kay Mark"
"Tumawag ako kay Tita wala ka daw doon"
"Wala nga kasi mag kasama kami ni Mark! Bakit ba ang dami mong tanong!"
"Jake ano ba! Panong?? Paanong magkasama kayo ay patay na si Mark!"
"Hindi patay si Mark!" Sigaw na galit na galit ni Jake
"Jake gumising ka! Tanggapin mo na ang katotohanan na wala na nga si Mark."
"Magkasama kami sa tabing dagat nanood kami ng sunrise napakagandang pagmasdan kasama ng taong mahal mo.
Ngaun paano mo ipapaliwanag sa akin na patay na si Mark!"
"Jake nababaliw ka na ba?"
"Hindi ako baliw! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw"kasabay ng humahagulhol na iyak ni Jake
Napailing na lamang si James ng makita niya si Jake. Si Jake na masayahin, masigla, mapagmahal ay unti unti ng nilalamon ng lungkot at pighati.
"Maupo ka muna sa salas at ako ay magpapahanda ng pagkain kay ate linda"
"Busog ako"
"Paano ka mabubusog kagabi ka pa hindi kumakain"
"Kumain kami ni Mark sa may dalampasigan. Ang saya saya namin. Kami lang ang tao nag sayaw pa kami"
"Jake noon pa yan nangyari! Huwag mo naman ganyanin ang sarili mo"
"Buhay siya buhay buhay buhay!"
"Jake isang araw ng patay si Mark. Iniintay ka na nila Tita sa chapel hindi mo pa sinisilip si Mark"
"Wala nga sa chapel baka ibang patay yun nagkamali lang kayo. Kasi magkasama kami kaninang umaga tapos mamaya manonood uli kami ng sunset. Paano magiging patay si Mark"
"Jake maniwal ka naman!"
Hindi pinansin ni Jake si James. Kinuha niya ang litrato ni Mark ay inakap ng mahigpit.
"Salamat boss hindi mo ako iniwan"
"Mahal na mahal kita"Napupuno na si James kay Jake gusto na niyang iwanan si Jake sapagkat hindi niya alam kung paano niya babantayan at aalagaan si Jake. Tinawagan niya si Sam upang ipaalam ang kondisyon ni Jake.
BINABASA MO ANG
Love is Like a Game [Book 1 Complete]
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" There is a book 2 "The story of us" https://my.w.tt/6Gl18HqBW9 Book 3 https://my.w.tt/x3MRCrtBW9 GAY...