Seulgi's POV
Nandito ako ngayon sa airport dahil susunduin ko ang bespren kong galing ng California. Sosyal diba? Galing Cali ang gaga.
"Babe!"
Napalingon naman ako sa sumigaw. Boses pa lang ay alam kong siya na yun.
"Babe, dito!"
Napalingon naman ako sa may bandang kanan ng arrival area. And there she is, Krystal Jung.
Agad akong lumapit sa kanya. Medyo malayo pa ako sa kanya pero agad itong tumakbo papunta sakin para yakapin ako. Still clingy.
"Namiss kita babe!" Sabi niya habang yakap ako
Yup, babe. Yan ang tawag niya sakin.
"Namiss din kita." Sabi ko sabay kurot ng kanyang bewang
Nakaramdam naman ako na parang may nakatingin samin kaya napalingon ako sa isang direksyon at di ko inaasahan ang nakita ko. Si Irene.
Nagkatitigan lang kami nang biglang may lumapit sa kanya at hinalikan siya nito. Napa iwas naman ako ng tingin.
Si Taehyung. Ngayon din pala ang dating niya.
Nabalik naman ang atensyon ko kay Krystal nang kumalas siya sa yakap.
"Kamusta ka na? Kamusta na kayo nung....sino nga ba yun? Irene?"
Napatingin naman ako sa kanya.
"Huy? Di ka sasagot? Kamusta kayo? I want to meet her." Excited niyang sabi
I smiled bitterly.
"No need to meet her." Sabi ko habang nakatingin kela Irene at Taehyung na sobrang sweet ngayon.
Ang sakit parin pala.
"Huh? Why?...... Hey, sino ba yang tinitingnan mo?" Sabi niya at tumingin sa gawi nila Irene.
"Uh~ So sweet. Ang cute nila noh? Bagay sila. Wait, kilala mo ba sila?" Krystal
Parang nabasag naman ang puso ko sa sinabi ni Krystal.
Yeah, bagay nga sila. Si Irene maganda tas si Taehyung naman gwapo. Bagay nga talaga. Ang saya nga nila tingnan eh. I'm glad, she's happy. Yun lang naman ang importante sakin eh, yung maging masaya siya kahit nasasaktan man ako. Her happiness is my first priority. Wala eh, mahal ko.
"Ang pretty nung girl habang yung boy naman ang pogi. Kilala mo sila?" Tanong ulit ni Krystal sabay tingin sakin
Napangiti naman ako ng mapait habang nakatingin parin kela Irene.
"Yeah, I know them. Kilalang-kilala." Sabi ko
"Really? Sino sila?" Tanong niya ulit
Napatingin naman ako kay Krystal.
"Yung lalake, he's Kim Taehyung, her boyfriend. And the girl," Napangiti muna ako ng mapait bago tinuloy ang sasabihin ko.
"She's Bae Joohyun also known as Irene, my ex-girlfriend."

BINABASA MO ANG
Love Scenario ▪ k.sg x b.jh
FanfictionWhat will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18