Chapter 17

3.4K 123 31
                                    


Seulgi's POV

Nandito ako ngayon sa stage kung saan kami nagrehearse noon.

"Seulgi, sige na! Bilis!" Tumatawang sigaw ni Jennie sa baba ng stage

Sinamaan ko naman ito ng tingin.

Di kami nagrerehearse ngayon actually. Ewan ko lang kay Mr. Park at dito kami sa covered courts ng villa pinagpractice.

"Seulgi, aegyo ka na! Your pringles is waiting!" Sigaw naman ni Joy habang binabandara sa harap ang 3 pringles na binili niya kanina

Hihingi lang naman ako ng konti eh. Pero ayun di nila ako bibigyan kapag di daw ako mag aegyo. Kahit di naman ako mag aegyo, cute na ako eh. Right? *nagpout*

[A/N: Di ka cute! Kapal!]

Cute kaya ako. Diba, readers? *pout*

"Ba't kasi kailangan dito pa sa stage?" Tanong ko naman

"Wag ka na magtanong pa, Kkangseul! Bilis na!" Sigaw naman ni Byul

Okay lang naman sana kaso KAILANGAN PA BA TALAGANG GUMAMIT NG MIC?!

Huminga muna ako ng malalim habang nakatingin sa mic na hawak ko.

"Ehem. Mic check. One,two. Ehem." Pagchecheck ko muna sa mic

Naramdaman ko naman na nakatingin na sakin ang lahat ng students. Oh fvck.

Napalunok naman ako nung napatingin ako sa mga students na nakatingin na sa akin ngayon.

"Sooyoungie, can you give ddeulgi some pringles? Hmm? Puhleaseeee~ Buing buing~" Aegyo ko at talagang inemphasize ko ang part na 'please'

Fvck.

"Ang cute pota!"

"Ang cute ni Seulgi! Damn it!"

"Ba't ang cute? AAAAAAAAH!"

"Di ako satisfied eh." Bored na sabi ni Joy

UGH! Kung di lang talaga ako adik sa pringles di ko toh gagawin!

"Juseyo, Sooyoungie~ Buing buing~" Pag-aegyo ko ulit at pinakita ang eyesmile ko

I know no one can resist my eyesmile.

"Joy bigyan mo na si Seulgi!"

"Ang cute niyan oh! Bigyan mo na!"

"Seulgi, halika dito may pringles ako!"

"Seulgi, bibili ako ng pringles para sayo!"

"Seulgi, I love you na!"

Di ko pinansin ang mga comments ng ibang students at nakatingin lang kila Joy. At ang mga gaga di pa tumitigil sa kakatawa. Parang mamatay na nga si Joy at Byul sa kakatawa. Mamatay sana sila. Tss.

Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Krystal sa stage dala-dala ang tatlong pringles.

Agad ko naman ko itong kinuha. Omg yeaaaah!

"HOY DI KO SINABING TATLO ANG IBIBIGAY KO!" Narinig kong sabi ni Joy

Agad naman akong napatakbo pababa ng stage.

"Binigay na sakin ni Krystal kaya akin na toh!" Sabi ko at tumakbo

Kaya ayun naghabulan kami.

-------------------------------------------

Nandito ako ngayon sa room namin. Mag-isa lang ako kasi nasa may pool area ang iba. Last night na kasi namin dito kaya pinayagan kaming maligo.

Hinahanap ko pa kasi ang pringles ni Joy. Nakuha niya kasi ang pringles kanina nung naghabulan kami tas tinago niya. Tss.

Naghahanap lang ako nang biglang may kumatok. Lumapit naman ako at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay walang tao at isang malaking box ang nakita ko.

Kinuha ko naman ito at pinasok. Pagkasara ko ng pinto ay agad kong binuksan ang box.

"WAAAAAAH!" Sigaw ko

Sinong di mapapasigaw? Eh isang box pala ng pringles toh eh! Iba-iba ang flavors! Putek! Kung sino man ang nagbigay nito I love you na!

Agad naman akong kumuha ng isa. Isasara ko na sana ang box nang mapansin kong may sticky note. Kinuha ko naman ito at binasa

'You look cute earlier. You made me fall in love with you while watching you doing aegyo. A box of pringles for a cute bear like you.♡'

Napangiti naman ako. Gosh kung sino ka man I love you!

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon