Chapter 54...............na talaga

2.6K 96 10
                                    


Seulgi's POV

Di ko alam na nakatulog pala ako sa kakapigil ng paghikbi ko. Umupo ako sa higaan at napatingin sa kabilang kama.

"Hmm, ayos na siguro siya." I mumbled at tumayo

Agad akong lumapit sa desk ng nurse at sinabing okay na ako. Pagkalabas ko ng infirmary ay nagulat ako ng makita ko si Irene sa labas na parang may hinihintay. Nagtama ang nga mata namin pero agad akong umiwas ng tingin at umalis.

As soon as possible ay gusto ko ng makamove on. And I think ang pag-iwas ang solusyon.

Habang naglalakad ay naramdaman ko naman na parang may sumusunod sakin kaya agad akong tumigil at lumingon sa likod.

"Hmm, wala naman." Bulong ko at nagpatuloy sa paglalakad

Papasok na ako ngayon ng building at parang nay sumusunod talaga sakin. Lumingon ulit ako pero gaya kanina ay wala akong nakita.

Omg, multo?

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Palabas na ako ng building na pinasukan ko pero nandun pa rij ang feeling na may sumusunod sakin. Binilisan ko ang paglalakad at nakarinig naman ako ng mga yapak ng paa na parang tumatakbo.

Napangisi naman ako. Meron ngang sumusunod sakin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad at alam kong binilisan niya rin kaya agad akong humarap at tumigil na hindi niya nahahalata.

Paglingon ko ay nagulat ako ng makitang si Irene pala yun. Di siya masyadong malayo sakin at parang naestatwa yata siya habang nakatingin ako sa kanya. Kita ko na gulat siya.

"I-irene, a-anong gina----"

"Oh Seulgi? Ba't ngayon ka lang lumingon? Kanina pa kita hinahabol at sinusundan eh." Sabi ni Baekhyun na bigla-bigla nalang lumabas galing sa puno

Huh?

"Huh? I-ikaw yung s-sumusunod sakin?" Tanong ko kay Baekhyun

Tumango naman si Baekhyun. Napalingon naman ako kay Irene na ngayon ay masamang nakatingin kay Baekhyun.

"Huh? A-akala ko si......." Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin kay Irene

Tinaasan niya lang ako ng kilay at umirap.

Oo nga naman. Impossible na si Irene ang sumusunod sakin.

"...... Irene." Pagpatuloy ko sa sinabi ko

"Kapal mo eh no? Ba't naman kita susundan?" Mataray niyang sabi at inirapan ako

Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang umalis. Bago pa siya umalis ay nakita kong inirapan niya ako at si Baekhyun.

Pagkaalis niya ay biglang natawa si Baek.

"Probema nun?" Natatawa niyang tanong

Napabuntong hininga nalang ako.

"Marami. Marami siyang problema sakin." Pailing-iling na sabi ko

"Btw talaga bang ikaw yung sumusunod sakin?" Tanong ko

Mukhang natense naman siya.

"H-ha? Oo, a-ako nga yun." Sabi niya pero di makatingin saking ng diretso

"Eh sabi mo di ako lumingon. Lumingon kaya ako ng ilang beses pero walang tao." Sabi ko

"U-uhm, gusto kong magtago?" Patanong niyang sagot

Nagdududa naman ko siyang tiningnan.

"Hmm, okay. Btw ba't mo ko sinusundan? May kelangan ka ba?" Tanong ko nalang

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon