Chapter 43

3.2K 93 59
                                    

ETO NA! ETO NA! ETO NA! AAAAAAAAAAAAH! DUBIDOBIDO BIDOBIDO!~ lol okay. So Hi guys! Here's my update. And sorry for this update guys. Mwah!

Di naman toh nakakaiyak eh XD

Seulgi's POV

Gabi na at nandito kami sa may lobby ng resort. Dito kasi kami magkikita para sabay na kaming pumunta ng bar.

"Hoy Kkangseul! Sure ka talaga na sasama ka?" Tanong ni Joy

Ngumiti naman ako at tumango. Di pa rin kasi ako nakakalakad pero buti nalang at pinahiram ako ng crutch ng doktor.

"Oo naman. Gusto ko kayong makasama." Sabi ko

Naramdaman ko naman na sinisqueeze ni Nayeon ang kamay ko. It's like telling to cheer up.

Nginitian ko naman si Nayeon.

"Luh! Cheesy mo gago!" Sabi naman ni Byul at hinagisan ako ng unan mula sa sofa ng lobby

Agad naman ako umilag.

May sasabihin pa sana ako pero biglang dumating si Joy at nagsisisigaw.

"Guys! Kami na ni Yerim!" Patiling sigaw ni Joy habang papalapit samin

Agad naman namin silang tinukso. Buti pa sila....

"Oh yun naman pala eh! We need to celebrate!" Sigaw naman ni Jisoo

Nagsitayuan na sila kaya inalalayan ako ni Nayeon na tumayo. Lalabas na sana kami ng lobby pero biglang nagsalita si Solar.

"Oh Irene, san ka pupunta?" Tanong ni Solar

Napatingin naman kami kay Irene na papasakay ng elevator.

"Ayokong sumama. Dun nalang ako sa kwarto." Sabi niya at agad sinara ang elevator at di na hinintay ang sasabihin namin.

Ba't di siya sasama? Kasama naman si Bogum eh. Masama kaya ang pakiramdam niya?

Sasabihin ko na sana na di nalang ako sasama pero hinila na ako nila Byul papuntang Bar.

Pagdating namin dun ay agad kaming pumwesto sa malaking table malapit sa stage. Pagkaupo namin ay agad kaming nag order ng drinks. Enjoy lang kaming nakikinig sa bandang tumutugtog sa stage. Kwentuhan dito kwentuhan doon, inom dito, inom doon.

3 shot lang ang ininom ko dahil ayokong malasing. Napansin ko naman sila Yeri na medyo lasing na habang sila Joy ay di pa. Napatingin naman ako sa katabi ko. Si Jennie na masayang nakikipagkwentuhan sa barkada.

Napangiti naman ako habang tinitingnan ang mga kaibigan ko. Nung tapos ng magkwento si Jennie ay agad ko siyang niyakap. Nagulat naman ito. Hinarap niya ako habang nagtataka.

"Oh ano yun, Kkangseul?" Tanong niya

Nang marinig ko ang tinawag niya sakin ay di ko napigilan na umiyak. Agad ko naman siyang  niyakap at doon umiyak sa balikat niya.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Tumagal yata ng 5 minuto ang yakap ko sa kanya. Di naman siya umangal at yumakap pabalik. Humihikbi na ako dito habang hinahagod naman niya ang likod ko. Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya. Nginitian ko lang siya kahit nakatingin siya sakin na nagtataka. Dun ko lang narealize na kami nalang apat ang natira sa table. Ako, Byul, Jennie at Joy.

Pagkalas ko kay Jennie ay nakita kong tumabi sakin si Joy.

"Unnie, anong nangyari?" Tanong ni Joy habang nagaalalang nakatingin sakin

Umiling lang ako at agad siyang niyakap. Mas napahagulgol ako nung narinig kong tinawag niya akong 'Unnie'. Minsan niya lang kasi akong tawaging unnie at yun ay kapag nakikita niya akong malungkot o umiiyak. Gaya ng kay Jennie ay niyakap ko si Joy ng mahigit 5 minuto. Kumalas naman ako sa yakap at nginitian siya habang umiiyak pa rin. Napatingin naman ako kay Byul na nakatayo sa harap ko.

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon