Chapter 22

3.3K 110 37
                                    


Seulgi's POV

"Hmm..." Ungol ko nang may umalog sakin

Sarap pa ng tulog ko eh.

Di ko nalang yun pinansin at mas siniksik ang sarili ko sa unan ko.

Ang bango naman.

"S-seulgi."

Napamulat naman ako. Sisigawan ko na sana ang taong gumising sakin nang malaman kong si Irene pala yun. Nakasiksik pala ako sa leeg niya. Fvck. Ang lapit pa ng mukha niya.

Nakita ko naman na nakatingin siya sa lips ko. Napalunok naman ako. Jusko Irene huwag mo kong titigan ng ganyan baka halikan kita diyan at magkasala ka kay Taehyung.

Bago pa ako makagawa ng kababalaghan ay agad akong lumayo. Pagtingin ko sa loob ng bus ay kaming dalawa nalang pala ang natitira.

"Nasa baba na sila. Di muna kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo eh. Tsaka na miss kong titigan kang natutulog." Sabi niya pero di ko na narinig yung huling sinabi niya

"Ah hehe sorry. Sige baba na tayo?" Sabi ko

Ngumiti naman siya at tumayo.

"Sige." Sabi niya at nauna na

Nasa huling step na sana siya ng hagdanan ng bus nang bigla siyang matapilok. Agad ko naman siyang hinapit sa bewang para di siya mahulog nang tuluyan.

"Irene, okay ka lang?" Tanong ko

At dun ko lang narealize ang position namin. Nakahawak sa bewang niya ang isa kong kamay habang ang isa naman ay nasa may likod niya. Ang kamay naman niya ay nasa may leeg ko. Ang lapit pa ng mukha namin. Fvck.

"I-irene? Okay ka lang? Huy?" Tanong ko ulit

"I love you." Sabi niya

Nagulat naman ako at napaiwas ng tingin.

"H-ha? Di ako si Taehyung oy. Haha." Awkward kong sabi

Mukhang natauhan naman siya. Agad ko siyang tinulungan makatayo pero mukhang injured ang paa niya. Tiningnan ko naman ang paa niya. Di naman namamaga baka nasprain lang.

"Irene, mukhang nasprain ang ankle mo." Sabi ko at napatingin sa kanya

Nakita ko naman na nakatingin siya sakin. Agad naman itong nag-iaas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumating.

"Irene?"

Paglingon ko ay si Taehyung pala. Dumating na ang bf....

"A-ah Taehyung, nasprain yata si Irene." Sabi ko

Nakita ko naman na agad siyang nag-alala. Lumapit ito at hinawakan ang kamay ni Irene.

"Okay ka lang?" Tanong niya agad

"Oo, o-okay lang ako." Sabi naman ni Irene at nginitian si Taehyung

Na-oop na ako dito. Third wheel pa. Agad akong tumayo.

"Ah Irene, Taehyung, una na ako ha?" Sabi ko at ngumiti



Di ko na hinintay ang sagot nila at agad umalis. Ayokong maging third wheel noh. Tss.

Medyo malayo na ako bus nang biglang may tumawag sakin.

"Seulgi!"

Lumingon naman ako at pagkalingon ko ay nakita ko si Irene na pilit na tumatakbo palapit sakin. Agad naman akong tumakbo sa kanya at inalalayan siya.


"Ano ba naman yan, Irene! Nasprain ka na nga eh pinipilit mong maglakad. " Inis kong sabi sa kanya

"Sorry. Iniwan mo kasi ako. Sasabay sana ako sayo." Sabi naman niya


"Di naman kita iniwan. Tsaka nandun naman si Taehyung. Sa kanya ka na sumabay." Sabi ko

"Eh sa ikaw yung gusto ko eh...... I mean g-gustong kasabay." Sabi niya at nag-iwas ng tingin


Napangiti naman ako. Ang cute niya shet.

Nung mapatingin siya ulit sakin ay agad kong inalis ang ngiti ko.

"Tss. Mapapahamak ka niyan eh." Sabi ko

Nakita ko naman na lumungkot siya at tumungo.

"Ah s-sige. Sorry ulit." Sabi niya at aalis na sana pero pinigilan ko siya


Pumunta ako sa harap niya at dumuko.

"H-huy anong g-ginagawa mo?" Sabi niya

"Tss. Bilis. Piggy back ride. Ayokong makitang nasasaktan ang bestfriend ko." Sabi ko

Pinalo naman niya ako.

"Huwag mo nga akong tawagin na bestfriend." Sabi niya at sumakay sa likod ko

Napatigil naman ako. Grabe kahit bestfriend ayaw niya.

"Edi kaibigan." Sabi ko at nagsimula na sa paglalakad


"Ayoko din." Sabi niya

"Eh ano? Acquaintance?" Tanong ko naman


Hinigpitan naman niya ang pagkakayakap niya sa leeg ko. Sasakalin ba niya ako?

"Di rin." Sabi niya at sumiksik sa leeg ko


Naramdaman ko naman na huminga siya kaya nakiliti ako at tumawa.

"Nakikiliti ka?" Sabi niya at hinipan ang leeg ko

"IRENE!" Saway ko sa kanya habang natatawa


Narinig ka naman na tumawa siya.

Naging tahimik lang kami hanggang sa nahatid ko na siya sa parking lot kung saan ang sundo niya.

"Irene? Sakay ka na."

Paglingon namin sa kakadating lang ay si Taehyung pala yun. Hatid sundo niya pala si Irene. Sweet.

"Oh Seulgi." Tawag niya sakin

Ngumiti naman ako at ngumiti naman siya pabalik. Nauna na itong pumasok habang si Irene naman ay nakatayo pa sa harap ko.

"Sige, pasok ka na. Una na ako." Sabi ko at tumalikod na

Maglalakad na sana ako nang bigla niya akong hinila paharap.

"Hmm? Ano yu------"

Di na niya ako pinatapos at agad akong hinalikan sa pisngi.

"Thank you."

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon