Seulgi's POVHinayaan ko lang siya sa ginawagawa niya pero di ako humahalik pabalik. Yeah, she's still kissing me.
Pagkatapos ng ilang minuto ay ako na mismo ang humiwalay. We should stop this. Binaling ko ang atensyon ko sa pinapanood namin at di siya pinansin hanggang sa natapos na kami. Di ko siya kinausap o tinapunan man lang ng tingin. Pagkalabas namin ng theatre ay agad akong nagpaalam at umuwi agad.
Hays, Irene. Di kita maintindihan.
Pagdating ko sa bahay ay pabagsak akong umupo sa sofa ng sala. Napahilot ako sa sintindo ko at napabunting hininga. I decided to call Appa.
"Hello, babybear?" Sagot niya sa tawag ko
"Bukas. I want it to happen as soon as possible. I want it tomorrow. Please, Appa." Sabi ko
Narinig ko naman na napabuntong hininga siya.
"Fine. Sige, kita nalang tayo dun. Rest well for tomorrow." Sabi ni Appa
I just hummed as an answer at in-end ang tawag. Sumandal naman ako sa sofa at pumikit. Malapit na sana akong makatulog ng biglang may nagtext. It's from Irene.
'Nasa labas ako ng bahay mo. Let's talk.'
Hmm? All fo a sudden? Anong kailangan niya?
'Why?' Reply ko
Bago ko pa mababa ang phone ko ay bigla itong tumunog ulit.
'I have something to tell you.'
Hmm?
'I'm busy.' Reply ko ulit
Di ko na hinintay pa ang reply niya at umakyat sa kwarto ko. Maybe a nap will do? Ewan ko pero I feel so tired.
Nagbihis muna ako ng sweater at shorts para mas komportable ang tulog ko. Agad akong tumalon sa kama ko hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
---------------------------------------------
Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom.
"Hmm~"
Napatingin naman ako sa labas ng bintana at nakitang gabi na. Umuulan din pala.
I decided na bumangon muna at kumain. Habang bumababa ay napatingin ako sa phone ko.
Nagreply kaya siya?
I checked my inbox at tama nga ako.
'I'll wait.
-4:30 PM'Napatingin naman ako sa orasan. It's already 6:45 PM.
Tss. Di naman siguro ako ganun ka espesyal para maghintay pa rin siya sakin kahit umuulan na.
Pumunta nalang ako ng kusina at napatingin sa laman ng ref. Maraming pwedeng maluto pero tinatamad ako. I decided na magramen nalang. Habang hinihintay na maluto nag ramen ko ay napatingin ako sa phone ko. Pagkaunlock ko ay bumungad sakin ang text sakin ni Irene kanina.
'I'll wait.'
Paulit-ulit ko itong binabasa at sumilip sa labas. Umuulan pa rin ng malakas. A quick peek is not bad, right?
Napabuntong hininga ako at kumuha ng payong. Lumabas na ako ng bahay at tumayo sa may gate. Lumingon naman ako sa bawat side ng gate. She's nowhere to be found. As if naman na hihintayin niya talaga ako.
Papasok na sana ako ng gate ng may mahagip ang mata ko na pigura ng isang babaeng nakaupo sa may sidewalk sa kabilang side ng daan. Nakatungo lang ito at basang-basa na ng ulan. Napagdesisyonan kong lapitan ang babae.
BINABASA MO ANG
Love Scenario ▪ k.sg x b.jh
FanfictionWhat will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18