Seulgi's POVSecond day ng Intramurals at wala akong magawa. I decided na lumibot muna ng campus para mafamiliarize ko ang lugar.
Habang naglalakad ako ay nakatagpo ko si Nayeon. Mukhang di niya ako nakita kaya agad kong hinila ang braso niya.
"Nayeon-sshi." Tawag ko sa kanya
"Oh, Kkangseul." Sabi naman niya at hinarap ako
Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Pwede mo ba akong samahan libutin ang campus?" Nahihiya kong tanong
Kahit naman kasi dalawang taon kaming nagkasama ay medyo nahihiya pa rin ako sa kanya.
Nakita ko naman na ngumiti siya at tumango kaya napangiti na rin ako.
"Sige, tara na?" Aya niya
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad. Nagkwentuhan lang kami sa nga bagay-bagay. Bigla naman siyang nagjoke kaya napatawa ako pero natigil rin ang pagtawa ko ng mahagip ng mata ko si Irene na kasama si Taehyung.
Mukhang napansin naman ni Nayeon na napatigil ako kaya tumingin din sa gawi nila Irene.
Napabuntong hininga nalang ako.
Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Nayeon ang baba ko at hinaraoa ang mukha ko sa kanya.
"Look. 4 months nalang. Kaya mo yan! Tiis lang ng konti." Sabi niya at ngumiti
Imbes na mapalakas ang loob ko ay lalo akong nalungkot.
"Yeah pero useless na rin." Sabi ko at tumungo
"Huh? Bakit?" Tanong niya
Napatingin naman ako kila Irene.
"May bago na kasi siya." Sagot ko kay Nayeon
Mukhang nagulat namn siya at napatingin kila Irene. Pero agad din niyang binalik ang tingin niya sakin.
"Hmm, sure ka?" Tanong niya
"Di pa ba halata?" Tanong ko naman at tumingin kay Taehyung na ngayon ay may dalang ice cream at binigay kay Irene. Ginulo naman ni Irene ang buhok ni Taehyung at ngumiti.
"Ey~ Ano ka ba! Huwag kang mawalan ng pag-asa!" Pagpapalakas niya ng loob ko
Umiling lang ako.
"Nah. Ayoko na tsaka meron pa naman sigurong iba diyan. Tulad mo." Pagbibiro ko at kinindatan siya
Nakita ko naman na namula siya. Agad niya akong pinalo pero bago pa niya ako mapalo for the 2nd time ay pinigilan ko na ang kamay niya.
"Joke lang! Tama na!" Sabi ko naman
Magsasalita pa sana ulit si Nayeon ng may biglang dumaan sa pagitan namin. May hawak pa naman itong ice cream at nalagyan ang denim jacket ko at ang shirt ni Nayeon.
"Hoy ano ba---"
"Oh ano?!"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinutol ako ni Irene. And yes, si Irene nga.
Napaiwas nalang ako ng tingin at hinila paalis si Nayeon.
-------------------------------------------
Irene's POV
Habang naglilibot kami ni Taehyung ay biglang nahagip ng mata ko ang naghaharutan na Seulgi at Nayeon. Tss.
Sino ba talaga bagong gf niya? Si Nayeon o Krystal? Tss. Playgirl na pala siya ngayon?
Di lang pala siya two-timer kasi tatlo pala kaming pinaglalaruan niya. Oo kasama ako! Di pa kaya kami nagbreak duh. Pero ngayon ako na mismo ang magsasabi, BREAK NA KAMI.
Dahil sa inis ko ay hinila ko si Taehyung papunta kila Seulgi at dumaan sa gitna nilang dalawa. At di ko sinasadyang malagyam ng ice cream ang jacket niya at ang shirt nung Nayeon na yun. Opps, sorry not sorry.
"Hoy ano ba---"
"Oh ano?!" Putol ko sa sasabihin niya
So ngayon sisigawan na niya ako?! Bagay lang sa kanila yan! Tss.
Di na siya sumagot at iniwas lang ang tingin niya. Lalo naman uminit ang ulo ko nang makita kong hinawakan niya ang kamay ni Nayeon at hinila ito paalis.
AT SIYA OA ANG MAY GANANG MAGALIT?! EH KONTI LANG YUN KUMPARA SAKIN NA NARARAMDAMAN KO NGAYON EH!
Humanda ka, Kang Seulgi. I'll make sure na magsisisi ka na pinagpalit mo ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Guys may tanong ako. Possible ba na kapag kinagat ka ng langgam sa may angkle mo tas bigla nalang mamamaga yun? Tas masakit kapag ilalakad mo ang paa mo? Nakagat kasi ako tas ngayon di ako makalakad kasi masakit. 😣😭
- Ms. Nobody
BINABASA MO ANG
Love Scenario ▪ k.sg x b.jh
FanfictionWhat will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18