Chapter 51

2.2K 81 30
                                    


Seulgi's POV

Nandito ako ngayon sa volleyball court nanonood ng volleyball game malamang.

Katatapos na maglaro ang lower grade levels at ngayon ay year level na namin. Napatingin naman ako sa entrance volleyball court. Tss.

Nakita kong papasok si Taehyung at Irene. Dala-dala naman ni Taehyung ang bag ni Irene. Edi sila na. Tss.

Nilipat ko nalang ang tingin ko sa volleyball court. Nakita kong naglalaro sila Nayeon. Di pa naman nagsisimula ang laro kaya naglaro-laro muna sila.

Napatingin ulit ako sa may entrance ng volleyball court at nakita kong papasok ang barkada. Sila Byul.

Dami kong kailangan e explain sa kanila. Sure akong galit sila sakin dahil iniwan ko sila without telling why. Napatingin naman sila sakin at mukhang nagulat pa sila. Biglang nagseryoso ang mukha nila kaya natakot ako. Iniwas ko nalang ang tingin ko.

"Hoy."

Napatingin naman ako sa nagsalita. Nagulat ako ng malaman kong si Jennie pala. Naapayos ako ng upo at hinarap siya.

"J-jennie." Tawag ko sa kanya

Umupo naman siya sa tabi ko at tumingin sa gawi nila Byul na ngayon ay nagtatawanan sa kabilang side ng court.

"Marami kang kailangan ipaliwanag samin." Sabi niya at hindi pa rin nakatingin sakin

"Marami nga." Sabi ko at napabuntong hininga

"I know you have your reasons. Alam kong di mo kami iiwanan ng basta-basta lang especially Irene." Sabi niya

Napatungo lang ako. Humarap nama siya sakin at ngumiti. Ngumiti din naman ako at agad siyang niyakap. Namiss ko tong babaeng toh.

"Miss mo ko, Kkangseul noh? Haha. Btw nakita mo ba yung magkapatid?" Tanong niya bigla

Napakalas naman ako s ayakap at nagtatakang tinanong siya.

"Magkapatid?" Tanong ko

Tumawa naman siya.

"Si Irene at Taehyung." Sagot niya

Napa nga-nga naman ako. What? Magkapatid? Si Irene at Taehyung?

Naalala ko naman 3 yrs ago nung may sumundo sa kanya at sinabi niyang 'Kuya' niya daw. So it means, si Taehyung yun but she's older than Taehyung kaya bakit Kuya?

"Hirap paniwalaan noh?" Natatawa niyang tanong

Tumango naman ako.

"I thought sila?" Tanong ko naman

Mas lalong napatawa naman siya.

"Ah yeah. Halos lahat ng estudyante akala na sila because of their closeness but nope, magkapatid lang talaga sila at sweet na kapatid si Taehyung kaya akaa nila boyfriend siya ni Irene." Natatawang sabi ni Jennie

Parang nabunutan naman ng tinik nag dibdib ko at parang lumiwanag ang mundo ko. Damn! I'm so happy! It means di niya ako pinalitan. Hinintay niya ako!

Lalo naman akong napangiti ng makita ko siyang palapit sa amin. Nakangiti siyang tumakbo palapit samin.

"GOM!" Tawag niya habang nakangiti ng malapad at nakabukas pa ang nga braso ito

Bumilis naman ang tibok ng puso ko at parang sasabog ang puso ko sa saya. Agad akong tumayo para salubungin siya at yakapin.

Eto malapit na siya.....

Lalo naman akong napangiti.

Eto na....

"GUM! BOGUMIE!"

Parang pinagbagsakan naman ako ng langit at lupa ng lagpasan niya ako.

"Bogumie namiss kita!" Narinig ko pang sabi niya bago tumulo ang luha ko at mabasag ng tuluyan ang puso ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

WENG! WENG WENG WENG WENG WENG!~

-Ms. Nobody.

Love Scenario ▪ k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon