Seulgi's POV"Seulgi!"
Napalingon naman ako sa tumawag sakin.
"Oh?" Sabi ko
"Tulala ka dyan? Hinahanap ka na ng babe mo." Sabi ni Byul
"Ah sabihin mo una na kayo. Susunod nalang ako sa bus." Sabi ko habang nakahiga pa rin sa kama
"Sure ka? Baka maiwanan ka." Natatawa niyang sabi
"Palagi naman akong iniiwan." Hugot ko
"Luh! Humuhugot ka na pala ngayon? Kala ko ba nakamove on ka na?" Tumatawang sabi niya
Agad naman akong tumayo at tinulak-tulak siya palabas ng room namin.
"Aish! Umalis ka na nga! Ang ingay mo! Labas! Shoo!" Sabi ko sabay sara ng pinto
Agad akong bumalik ng kama at minasdan ulit ang band aid na nakita ko sa crime scene. Oo, crime scene. Ninakawan lang naman kasi ako ng halik.
"Kay Ms. Kiss Stealer kaya toh?" Bulong ko sa sarili ko
Bunny design. Meron akong ganito eh. Yung nilagay ko sa sugat ni------
Napatingin ako sa pinto nung may kumatok. Aish... ang kulit ni Byul. Tss.
Di ko nalang pinansin ang kumakatok at inayos na ang mga gamit ko. Pagkatapos ay lumabas na ako kasi baka naiwan na talaga ako ng tuluyan. Ayokong maiwan uit noh. Tss.
Pagkalabas ko ay isang naglalakad na kuneho------I mean Irene ang nakita ko. Tumakbo naman ako palapit sa kanya.
"Irene! Hintay!" Sigaw ko
Pagkalapit ko sa kanya ay agad ko siyang binati.
"Good morning!" Nakangiti kong bati
Ngumiti namn siya at binati rin ako. Nakita kong nahihirapan siya sa bitbit niyang mga gamit. Kinuha ko agad ang dalawang bag na bitbit niya.
"O-oy." Sabi niya
"Mukhang nahihirapan ka eh. Ako na magdadala nito." Nakangiti kong sabi
"No need naman eh. Kaya kong bitbitin yan." Sabi niya at sinubukang kunin ang mga bag na bitbit ko
Agad ko naman itong iniwas.
"No way. Ako na magdadala nito. Ang bigat na ng backpack mo kaya ako na magdadala neto." Nakangiti ko parin na sabi
"Tangenuh wag ka nga ngumiti...."
Narinig kong bumulong siya pero di ko ito masyadong narinig. Ang hina eh.
"Ano?" Tanong ko
"Ah wala wala. Sabi ko salamat." Sabi niya naman
"Welcome." Sabi ko naman
Naalala ko naman ang nangyari kagabi.
"Irene, may tanong ako." Sabi ko
"Ano yun?" Sabi namn niya
"Lumabas ka ba ng room niyo kaninang madaling araw? Mga 1:00?" Tanong ko
Di naman sa nag-aassume but yung bunny design kasi eh.
Nakita ko naman na parang nagpanic siya pero di niya masyadong pinahalata.
"Hindi naman. Bakit?" Tanong niya
Di naman siya na-utal baka nga siguro di siya yun. Aaminin ko na nadismaya ako. Di ko naman maiwasan na umasa eh.
"Ah wala. Parang nakita kasi kita." Sabi ko nalang
Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumawag kay Irene.
"Irene unnie! Halika tumatawag si Taehyung oppa!" Sigaw ni Yeri mula sa pinto ng bus namin
Nakita ko naman na nilakihan ng mata ni Irene si Yeri.
Tumatawag na pala ang bf niya. Grabe si reality oh, sinampal ako ng realidad na may bf na tong mahal ko.
"Ah sige, Irene. Una na ako. Lagay ko nalang dun tong bag mo." Sabi ko at agad lumapit kay Tal
"Soojung-ah!" Tawag ko kay Tal na naglalagay ng bag sa lagayan ng baggage
Mabilis kong nilagay ang bag ni Irene para matulungan si Krystal. Andaming bag ng gaga.
"Ba't andami mong dinala na bag? Kala mo kung saan pupunta." Sabi ko habang nilalagay ang isa niyang bag sa lagayan.
"Eh sa andami kong dinalang food eh." Tumatawa niyang sabi
Yep, may mga bag siyang dala na puro pagkain ang laman. Kaya food is life kami kapag nasa room kami.
"Takaw mo kasi." Asar ko sa kanya
"Luh! Nagsalita ang nakaubos ng pringles na dala ko." Asar din niya sakin
"Hoy 5 pringles lang naman eh." Depensa ko
"5 pringles LANG? Wow. Grabe." Sabi naman niya
"Oo. Tsaka yun lang naman kinain ko kesa sayo na inubos ang isang bag ng piatos at pepero. BABOY!" Sabi ko
Agad naman niya akong hinila at kiniliti.
"Anong sabi mo? Baboy? Ha? Sinong baboy? Sagutin mo kong oso ka!" Sabi niya habang kinikiliti parin ako
"HAHAHAHA....teka....HAHAHAHA..........tama na.......Tal...GAHAHAHAHAHHA."
"EHEM."
Napatigil naman si Krystal sa pagkiliti sakin nang may tumikhim.
Pagtinging namin ay si Irene pala.
"Ay sorry." Sabi ko at nag give way oara malagay niya ang isa pa niya bag
Agad kong hinila paalis si Tal.
"Ikaw kasi." Sabi ko at pinalo siya
"Huy anong ako? Wala naman akong ginawa eh." Sabi naman niya
Oo nga noh? Wala naman siyang ginawa hehe.
Di ko nalang siya pinansin at sumakay na sa bus. Pagkasakay ay agad akong nagtungo sa dati kong inuupuan. Bago pa ko makaupo ay sinamaan ko ng tingin sila Joy at Byul. Baka kung anong gawin nanaman eh.
Agad akong umupo at nagpaplay ng music gamit ang earphones. Napa angat naman ako ng tingin nang dumaan sa harap ko si Irene at umupo sa tabi ko. Oo nga pala, katabi ko siya.
"Ay...." Narinig kong sabi niya at pupulutin sana ang nahulog niyang gamit pero naunahan ko na siya kaya imbes na ang gamit niya ang makuha niya ay ang kamay ko ang nahawakan niya.
"S-sorry." Sabi niya
Ngumiti naman ako.
"Okay lang." Sabi ko at tiningnan ang gamit niya
Lip balm na strawberry flavor?
Agad niya naman itong kinuha sakin at nag pasalamat. Ngumiti lang ako sa kanya.
Strawberry flavor na lip balm?
Napailing nalang ako sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko.
Ano ka ba, Kang Seulgi. Huwag kang mag-assume diyan. Napaka-impossible ng iniisip mo. Di siya yung humalik sayo.
BINABASA MO ANG
Love Scenario ▪ k.sg x b.jh
FanfictionWhat will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18