Chapter 16

99K 2.7K 120
                                    

Chapter 16
Hindi ko na kaya

Hindi man kami opisyal pero bumalik kami sa dati. Tao lang naman ako.Kung ang diyos nga makapangyarihan sa lahat ay nagpapatawad,ako pa kaya na tao lang?

Napatawad ko si Clinton. Napatawad ko rin si Jedd.

Basta pag ibig talaga marami ang nag hihirap. Marami ang nawawasak. May mga tao talagang pag nagmahal ay hindi maiwasan ma attract sa iba. Siguro ganon' si Jedd sa akin.

Na aattact lang siya sakin.Hindi niya man sabihin siguro ginawa niya akong rebound sa paghiwalay nila ni Athena.

Hindi naman ako mahilig magtanim ng sama ng loob.Wala naman akong aanihin sa sama ng loob kaya hindi ako magtatanim.

"Really? Iba rin ang trip ng mokong na iyon no?" palatak ni Jenn dahil kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari. Nandito kami ngayon sa Starbucks.

I sipped on my milk shake at tiningnan ang labas.Tumango tango lamang ako sa mga sinasabi ni Jenn.

"Okay lang naman sakin.No hurt feelings." sagot ko.

"Well." umismid si Jenn at nagsimulang mag ukay sa kanyang cellphone. Siguro magbabasa na naman ng wattpad yan. Idol niyan si writer Frezbae e.

Tumingin ulit ako sa labas at nakita ko ang magpipinsan na nasa labasan nang school. Lunch time ngayon kaya marami ang lumalabas sa gate kaya agaw atensyon talaga sila!

Sa Black SUV nakaupo doon si Damon sa nguso kasama si Clinton kaya kitang kita ko ang mukha niya! Sa likod naman ng isang AUV ay si Rad nakahilig at naninigarilyo.

May hawak na mineral si Clinton at pizza yata yung kinakain nila! Dalawang box iyon!Naka plain white shirt lang si Clinton. Effortless! Mala bato talaga ang katawan.

Nakita kong may dumaang isang ale at may dalang tatlong maliliit na mga bata. Base sa mga suot nilang gutay gutay at sobrang dumi ay mga pulubi sila.

Nakita kong natigilan ang tatlo sa pag uusap nang makita nilang dumaan sa gilid nila ang mga pulubi.Napataas ang kilay ko nang tumayo silang tatlo at nilapitan ang ale at tila kinausap nila.

Nakapameywang si Clinton na tila nakikinig nang masinsinan sa pagsasalita nang ale habang kinakausap ni Rad.

Maya maya ay kinuha ni Clinton ang kinakain nilang dalawang box ng pizza at binigay sa mga anak ng ale habang may kinuha si Damon sa wallet niya na tila pera? Nakita ko pang nakipag apiran si Radleigh sa mga bata at hindi na naisip ang dumi ng mga ito.

Tila nag iba ang pagtingin ko sa kanila. Tila hinaplos nang magaan na bagay ang puso ko sa kanilang ginawa.
Kung ibang tao, hindi na nila pag tutuunan ng pansin ang ale at mga bata na pulubi.Pero sila? Sabihin na natin na hinusgahan natin sila dahil fuckboy sila , playboy, basagulero, at lahat na pero may malambot na puso para sa mga mahihirap.

Dont judge the books by it's cover ika nga nila.

Sabay pa silang nagsinghapan na tatlo at nag singisihan habang umiiling pagka alis ng ale ksama ang mga anak.

Ilang sandali pa ay napa ayos ako ng upo ng makitang papasok sila dito sa Starbucks.

The hell.Kumalabog bigla ang puso ko.

"Wait, order lang ako ng coffee jelly huh?" paalam ni Jenn.Kaya tumango ako at kinuha ang menu at tinakpan ang mukha ko.

Bakit ba ako nagtatago? Napabuga nalang ako sa hangin at stay put lamang ang menu para hindi makita ang aking mukha.

Biglang tumunog ang aking cellphone.Galing kay Clinton ang text.

From Clinton: Let me see your pretty face please.

Just LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon