Chapter 25
RemembranceWalang oras na hindi ko siya naiisip. Ang saklap pa kasi hinahanap hanap ko ang amoy niya.
"Jenn m-may perfume kaba na panglalaki jan? Y-Yung kapareho kay C-Clinton?" nahihiyang tanong ko. Iniimagine ko palang yung amoy niya naglalaway na ako.
"Seriously? Hindi ko nga alam yung amoy niya." nagliligpit si Jenn ng kanyang gamit. Kakatapos lang namin kumain at wala akong balak lumabas.
"C-Calvin Klein yung perfume niya." naiiyak kong sabi at humiga sa kama.
" Sabi ko na mahirap maglihi. Kahapon pinagluto mo ako ng tinolang manok na walang manok tapos ngayon ang perfume naman ni Clinton? E' kung tawagan ko kaya siya?" akmang kukunin niya ang cellphone niya pero pinigilan ko na.
"Baliw kaba? E' ayoko ngang makita yung mukha niya. Nakakasura!" nandidiri kong sabi dahil iyon naman ang totoo. Binlock ko sya sa contacts ko. Lahat ng pictures niya binaon ko sa trash bin ng photos ko.
Napangisi siya. "God! Naglilihi ka at si Clinton ang pinaglilihian mo."
"No way!" ungot ko.
"Yes way!"
Buong araw ay sa kwarto lang ako ni Jenn. Humihiga at bumabangon pag nasusuka. Hate na hate ko talaga tuwing umaga at kapag marami akong kinain pero isusuka ko naman agad.
Kakagising ko lang kinahapunan. Wala si Jenn dahil may date sila ni Brandon.
Naalala ko na naman yung huling pagkikita namin ni Clinton. Palagi kong naiisip kung ano na ba ang ginagawa niya? Pero sa 'twing naiisip ko ang halikan nila ni Shantal naiinis ako.
Kinapa ko ang aking tyan at hinaplos.
"Baby sorry kung nagiging emosyonal si mama ha? Kasi ang papa mo ang babaero eh. Naiinis si mama sa kanya." kinausap ko ang aking tyan. Sabi kasi ng OB mas maganda kung kinakausap ng baby at kinakantahan. 'Tsaka maganda kapag nakakalanghap ng sariwang hangin.Pakiramdam ko nag iisa ako at walang kakampi. Isang tao lang ang naalala ko na baka masasandalan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si mama. Matagal tagal na din kaming walang komunikasyon.
Tatlong ring pa bago niya sinagot.
"Oh hello?" parang walang interes niyang sagot. Napalunok ako at kinabahan.
"Hi m-mama kamusta?"
"Mabuti naman. Ikaw dyan?" pabalik niyang tanong.
Napangiti ako dahil kahit paano natanong niya ako ng ganon.
"I'm fine ma. P-Pero may problema kasi ako." namamawis ang aking kamay sa kaba.
"Ano naman?"
"Mah, ano kasi. . . b-buntis ho ako." napapikit ako ng ilang segundo pa siya bago nakasagot.
"Y-You're such a disgrace Kylie Nicole!! How? I-I don't know what to say! Ano nalang ang sasabihin ng mga amiga ko diyan at ng mga tita mo? Are you thinking?!"
Pumatak ang luha ko at natakpan ang bibig na nanginginig. Bakit ang hirap sa kanila na intindihin ako? Anak niya naman ako ah.
Nalulukot ang dibdib ko na parang pinipiga. Sa katulad kong dalagang magiging ina ay kailangan ng kaagapay ng isang ina na may alam. Pero bakit ganito? Alam ko naman na kasalanan ko.
"M-Ma I need you.Kahit ngayon lang." hikbi ko at suminghap.
"Ilang buwan na iyan?" imbes ay tanong niya.
"M-Magdadalawang buwan po."
"Ipa abort mo. Dugo palang yan! Sa oras na lumaki pa yan ay mahirap na ipalaglag! Kung ayaw mong maging dalagang ina! Ipalaglag mo!"
BINABASA MO ANG
Just Lust
Romance[Filipino Book] Kylie hated him for being a playboy. She pitied the women that he toyed with and made them cry. What if suddenly, one day, she finds herself succumbing to temptation? Is it love, or is it Just Lust?