Chapter 29
Good girlI am right. Naging matagumpay ang operasyon ni Bernadette sa US. She looks so fine right now. Ang totoo nga niyan , mas naging confident siya ngayon kumpara noon.
Bago ito umalis ay nagbago ito ng pananamit at nakisabay sa moderno ngayon. Ngayon ay mas naging confident ito lalo.
Kahit 'ganon ay masaya ako para sa kanya. Kahit hindi maganda 'yung huli naming pagkikita dahil hindi ko nagawa ang gusto niya.
Alam kong mahal niya si Clinton. But it's too late. Kahit ano pang gawin niya ipagdadamot ko ang akin lalo na't magkakaanak na kami.
Kanina ng nakita niya ako ay iba na siya. She's so nice na. Parang genuine na iyong ngiti niya na parang hindi siya nainlove kay Clinton dati.
Well ,I'm not so sure. Kailangan ko paring mag ingat. Ang ahas kahit anong palit ng balat ahas parin.
Kasalukuyan kami ngayong kumakain ng lunch.
"Mabuti naman at naging succesful yung operation mo Berna. Pero four months palang ha? Pwede ka na bang umalis mag isa? Baka mapaano ka?" Sabi ni tita Magda. Nang magkita kami kanina ni Berna sa palengke ay napag isipan ko na umuwi na agad para mabalitaan si tita.
" Yes tita. My doctor were really an expert. Isang linggo palang umayos na ulit yung heart beat ko at ang tahi ko sa dibdib." Sabi ni Berna na nakangiti.
Hindi ko na pinasama si Clinton dito sa akin dahil alam kong hindi iyon magiging maganda. 'Yung mga binili niya sakin ay iniwan nalang dito.
'Tsaka yung uri ng tingin ni Berna Kay Clinton kanina ay kakaiba. 'Yung hindi ko gusto. Sana nga ngayon wala nang problema. Ayoko nang mag aagawan kaming dalawa sa isang lalaki.
Tahimik akong nakikinig sa kanilang usapan.
"E' ikaw naman hija? Kamusta ang date niyo ni Clinton?" baling sakin ni Tita.
Uminom muna ako ng tubig at binalingan sila.
"Nag enjoy naman ho tita. Tsaka first time namin kanina sumakay sa traysikel at mamili sa publikong palengke."
Ngumisi si tita sa akin.
"Ang swerte mo sa boyfriend mo hija.Kung ibang lalaki lang ay hindi iyon susuyo sa kanilang girlfriend at magkusa na magtrabaho. Pero si Clinton kakaiba siya. Sincere sayo.Gusto ko siya para saiyo hija kaya wa'g mo ng pakawalan."
"Talagang hindi tita. Mahal na mahal ko siya lalo na ngayon na magkakaanak na kami." Sumimsim ako sa baso at tiningnan si Berna sa aking harap. Bigla nawala ang ngiti nito sa labi at parang nabigla.
"You're pregnant Kylie?" medyo tumaas ang boses niya na ikinataka ni tita.
"Yes Berna. Alam nang papa mo ito hindi ba sayo nasabi bago ka dito pumunta?"
Umiling si Berna.
"P-Pero ang bata mo pa! " anito sa akin na ikinairita ko. Sige,palusot pa.
"Ate. . ." note the sarcasm.
"What do you expect? Clinton love me so much kaya niya ako binuntis. And soon magpapakasal na kami." mapang uyam ko na sinabi at hindi siya tinantanan ng tingin.Biglang bumugso iyong inis sa sistema ko dahil obvious na obvious siya na may pagtingin parin kay Clinton.
Alam na ni Clinton na magkapatid kami sa ama ni Berna. Nasabi ko iyon sa kanya noon at alam din niya tungkol sa heart transplant nito sa America.
"Well,'yung mag asawa nga ay naghihiwalay ano pa kaya ang mag kasintahan palang?" ngumisi ito sa akin na pang insulto.
Kumuyom ang kamao ko.
BINABASA MO ANG
Just Lust
Romance[Filipino Book] Kylie hated him for being a playboy. She pitied the women that he toyed with and made them cry. What if suddenly, one day, she finds herself succumbing to temptation? Is it love, or is it Just Lust?