Chapter 26

92.1K 2.7K 218
                                    

Chapter 26
He's my boyfriend

Galing Manila dalawang oras ang byahe ko papuntang Tagaytay. Pero nadagdagan pa ng isang oras dahil nag tanong tanong pa ako kung saan ba ang Hacienda ni tita Magda. Kilala pala siya dito sa Tagaytay. Mula sa syudad ay bumiyahe pa ako papuntang bayan nila. Kung saan na tinatawag na Hacienda Paraiso.

Eto' pala yung pangalan nang Hacienda ni tita. Ayon kay papa nung tumawag siya ng umaga ay nagkausap na sila ni tita ay excited na daw akong makita 'non.

Nang makita ko ang karatola sa gilid ng daan kung saan may pangalan na 'Hacienda Paraiso' at may arrow pa iyon.
Agad ko na iyong tinungo. Tirik na tirik na ang araw at sa tingin ko ay alas dose na ng tanghali.

Hindi din ako nagutom dahil may tambak na pagkain sa front seat sa gilid ko at tubig. Medyo napagod nga lang at nangawit sa kaka drive.

Lubak lubak ang daan papunta doon at nagtataasan ang damo sa gilid ng daan. May nadaanan pa ako na tulay na de kahoy sa ilalim non ay sapa na napakalinaw. Namangha ako dahil sobrang linaw nun at may nakita pa akong isda na maliliit doon.

Nakangiti ako buong magdamag at mabagal ang paandar ng aking kotse at nakababa ang bintana ng kotse.

Iba din ang ihip ng hangin kasi napakalinis at refreshing. Hindi tulad sa Maynila. Tama nga si papa ng ideya na mas okay ako dito.

Nang lumagpas sa tulay ay lubak lubak na naman na daan. Hindi ito semento kundi lupa lamang. May nakasalubong pa ako na isang truck ng mangga. Mukhang bagong pitas iyon at ididiposito na sa merkado iyon. Halos makakita ako ng bituin dahil sa manggang nakita at bigla akong nangasim.

Ang sumunod sa truck ay isang truck naman ng mga niyog. Wow.Kakadating ko palang pero mukhang magiging masaya ako dito dahil maraming prutas.

Kagat labi akong nagpatuloy at may pa naka nakang bahay akong nakita na gawa sa organik na sangkap lamang. Nipa ang bubong at ang ibang parte ay kahoy. Ang galing! Pwede pala yon?

Sa pagpatuloy ko sa pag drive ay pumaliko ako dahil may arrow na naka lagay sa gilid na 'this way'.

Nang lumiko ay sementado na ang daan doon kaya umayos ang aking pagmamaneho. Mula sa akin tanaw ko sa malayo ang napakalawak na lupain na puno ng mga puno ng mangga,santol, niyog at iba't ibang uri ng bulaklak. Ang lumamang sa tingin ko ay ang sun flower na agaw pansin sa lawak ng hektaryang sakop nito.

"Wow." nasambit ko sa sobrang mangha. Hindi ko aakalain na may isang bayan pala dito sa Tagaytay na malayo sa siyudad na ganito kaganda. Mas pipiliin ko pa ito kumpara sa Manila.

Ang klima dito ay hindi mainit dahil lumamang ang lamig.
lNang makarating sa isang gate na mataas na kulay puti ay hininto ko ang kotse. Hindi kita ang loob dahil lagpas tao ang gate nila pate yung pader.

Pinindot ko ang doorbell ng tatlong beses at may lumabas na security mula sa gate.

"Sino ho sila?"

"Kylie Hernandez ho. Pamangkin ni tita Magda." sabi ko dito at agad nitong hinawakan ang walkie talkie nito. At may sinabi. Wow ha.

"Tuloy kayo ma'am. Kami na bahala sa bagahe niyo." sabi nito kaya pumasok na ako.

Papasok ay agad akong namangha. Napaka simple lang nang bahay na nagmukhang resthouse. Kulay puti lahat sa ibaba at sa itaas ay may haligi na babasagin.

May balkonahe ito bago papasok. Sa gilid nitong bahay ay may tatlong truck na katulad sa nakita ko kanina. May mga basket na may lamang bulaklak at mga prutas. Bigla akong naglaway.

Sa balkonahe palang ako ay may lumabas na sa pinto na isang ginang na kamukha ni papa. Naka kulay brown na dress ito hanggang tuhod at may salamin sa mata. Malayo palang ay may ngiti na ito sa labi.

Just LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon