"Ang kapal ng mukha!"
Gago siya! Walang hiya!Ikinahihiya na ba ang virgin ngayon? Porke virgin 'ganon na agad? Nakita ko yung mukha niya kahapon. Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig 'nong sinabi ko na virgin ako!? Tangina!
"Eh bakit parang naiinis ka? Bakit parang nanghihinayang ka?" Mas lalo lang akong nainis sa sinabi ni Jenn.
Huh? Ako? Hindi kaya no!
"Gaga ka! naiinis ako! kasi... kasi ano.."
"Kasi ano huh?!" Aniya ni Natalia na nakangiti sa akin.
Umirap ako.
"Feeling ko nareject ako! 'Ganon!"
Tumawa silang dalawa.
"Patay na! Diyan nagsisimula yan". Sabi ni Jen at kinain ang pizza niya.
Nasa Greenwich kami ngayon dito sa loob ng Shangri la.Maraming tao dito sa foodcourt. Madami akong nakita na kakilala at kaibigan.
Sabado kasi kaya nagkayayaan na mag mall.
"Simula ang ano? Wag mo'ko itulad sayo no."
Kahapon umalis agad ako ng walang paalam. Nakakahiya!Una bumigay ako ng 'ganon ka dali! Pangalawa nareject ako!
Mahirap man iexplain pero naiinis ako. Parang may virus ako kahapon na bigla nalang siyang umalis sa ibabaw ko!Nilantakan ko ang pizza na parang hindi na nilalasap ang lasa at diretso nilulon.
Kumuha pa ako ng isa at kinain ulit.Napalingalinga ako sa paligid.Napaubo ako ng mahagip ang walang hiya.
Take note ha? He's not alone. He's with a chick! Ibang babae na naman ngayon! Ang kamay ng babae ay nakasabit sa braso ni Clinton.
"Ano ba yan Kylie! hinay hinay!" Ubo ako ng ubo at kinuha ang binigay ni Natalia na iced tea.
"Bwesit." Mura ko at pinunasan ang bibig ko.
"Dahan dahan kasi pate tray yata kakainin mo." Natatawang sabi ni Jen.
Hindi nila kita sila Clinton dahil nakatalikod silang dalawa.
"Tse!" Sigaw ko sa kanya.
Gago siya! Ganyang babae ang gusto niya? E' obvious naman na mas maganda ako at sexy diyan! Marahil lang siguro ang gusto ni Clinton ay laspag? maluwang?
Ayaw ko man pero napatingin ako ulit sa labas ng Greenwich. Glasswall kasi lahat dito kaya kita ko ang mga tao sa labas ng foodcourt kung saan banda ang mga stall ng mga siomai, shawarma,buko juice at iba pa.
Si Clinton ay naka faded jeans at gray sando. May tattoo pala siya sa braso na tribal. Lahat yata silang magpipinsan may tattoo.
As usual. Halos mabali naman ang leeg ng mga kababihan sa kanya. Agaw atensyon talaga ang presensya niya.
"Comfort room lang ako. " Sabi ko sa kanila. Parang kailangan ko kasi ang maghilamos. Nakakainis.
"Okay, parking area ka namin hintayin ha?"
Winaksi ko ang pag iisip tungkol sa ugok na iyon. Wala akong mapapala. Nabubuwesit lang ako e.
Pagpasok ko may dalawang babae na sa loob hindi ko na pinansin diretso na ako sa cubicle para magbawas ."Alam mo.. nakita ko si Clinton kanina may babaeng kasama." Narinig ko ang sabi ni inis ng isang babae.
Clinton naman?
"Kainis nga, 'nong isang araw lang kami magkasama niyan e. Halos hindi na ako pinansin ngayon. Akala ko nga magsyota na kami pero hindi e! Kinama lang ako."
Tumawa ang isang babae.
"I told you. Ang magpipinsan na yan tuso yan! Wag kang paloko!." Humagikhik siya.
"So ano? Malaki ba? Tell me!"Humagikhik ang babae na tila gustong malaman ito.
"Naku! Sobrang laki! As in. Hindi ko nga mahawakan ng buo. Tangina!"
The fuck! Bakit ko naririnig ang mga ganito? Parang hindi ako makagalaw sa mga narinig ko.
God! Hindi ko na kinaya at lumabas na ako ng cubicle. Grabe ang mga babae na ito.Nagsitahimikan sila ng makita nila akong lumabas.
Mga tanga. Narinig ko na nga e.Ni hindi man lang naisip na puwede kong marinig kahit na nasa loob ako.
Naghugas muna ako ng kamay sa sink habang ang dalawa ay nag mi-make up. L
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at inipit sa pagitan ng balikat at tainga ko habang naghuhugas.
"Hello Jen." Ako.
"Nasaan kana? Ang tagal."
I rolled my eyes.
"Naghuhugas pa ako ng kamay." Sagot ko.
"Naghuhugas seriously?"
"Yeah,marami kasing virus dito na nagkalat sa CR. Nakakadiri." maarte ang tono ko.
Nagsinghapan naman ang dalawa tila nahiya.Guilty ang mga ate.
"Huh?Pinagsasabi mo?"
"Huh? Virgin ako no! Hindi tulad ng iba na laspag at kani-kaninong lalaki nagpapagalaw! Gosh! Kadiri kaya iyon."
Pinaringgan ko ang dalawang hitad."Pinagsasabi mo Kylie?"
Nanahimik na naman ang dalawa kong katabi.
Naiinis ako bwesit.
Narinig ko nalamang ang kanilang bulong bulongan. Pero hindi ko na iyon inintindi at umalis na.
Minsan kasi dapat din natin prangkahin or magparinig para mamulat 'rin.
Para sa sarili na rin nila. Pagkalabas ko pabagsak kong sinarado ang pinto ang siya namang paglabas ng lalaking kinaiinisan ko sa CR ng mga lalaki.
Ganito ba ako ka malas?
"Mga bwesit! kadiri! mamatay na kayo! Tangina niyo." Bulong bulong ko habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
Just Lust
Romance[Filipino Book] Kylie hated him for being a playboy. She pitied the women that he toyed with and made them cry. What if suddenly, one day, she finds herself succumbing to temptation? Is it love, or is it Just Lust?