Hikab.
"Hello?"
Linggong-linggo at nagriring ang phone ko nang madaling araw, mga alas-singko imedya ng umaga. Hindi pa man din sumisikat ang araw, at may sira-ulong tumatawag na sa 'kin.
"K-K-Kurt . . ."
Napabangon ako nang narinig ko na umiiyak si April sa kabilang linya. "Oy, anak ng—ano? Bubugbugin ko na ba? Asan ka na?"
"Andito pa rin e," sagot niya. "Nanakaw 'yong wallet ko. Tae . . . bat ba—"
"Papunta na ko."
Eto ang masaya sa may allowance. Pagkabangon ko, gising na si Ate Natasha. Pangalawang beses na atang nangyari 'to.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Ate.
"Kay Abril," sagot ko.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang aminin na hindi mo kaya na wala siya, ha?"
"Tigilan mo nga kami ng bespren ko—asan 'yong tsinelas ko?"
"Nasa freezer."
"Freezer?"
"Duh. Asan pa ba? Gisingin mo si Dan bago ka umalis. Mga palamunin talaga kayo kahit kailan."
"Hayaan mo na para kami naman ang tumaba."
"Si Dan gisingin mo na."
"Ano ako, tandang? Paulit-ulit! Ate, gawan mo nga ako ng sandwich. Dalawa ha?"
"Pa-pa-impress ka pa."
"Lampas sampu na 'yong naging boyfriend niya na nakilala ko, okay?"
"Anong konek?"
"E di sana matagal na niya akong nakita! Asan 'yong T-shirt ko na blue?"
"Ang arte! Magpambahay ka na lang!"
"E!"
"Hay nako. Hindi mo pa kasi na-ri-realize na siya talaga ang gusto mo. Sarap niyong umpugin. Ilang taon na kayong ganyan!"
"Kung siya talaga ang gusto ko, na-realize ko na 'yon dati pa. Tsaka"—sabay suot ng tsinelas—"may iba na akong gusto no."
"For real?" tanong ni Ate.
"Anong 'For real'? Ge, pag naka-webcam mo si Papa, sabihin mo may pinuntahan lang ako."
"Sige, sabihin ko nagtanan na kayo."
"Maghanap ka na lang ng sarili mong love life!"
Umalis na ako ng bahay na nagtatatakbo. Ni hindi na nga ako nag-toothbrush e. Pero may dala akong bubblegum.
Buti na lang wala pang traffic noong mga oras na 'yon. May dala akong tubig at dalawang sandwich para sa kanya. Nag-aalala ako. Lintsa talaga. Sasapakin ko talaga 'yong Troy na 'yon pag nagkita kami.
Nagtext ako: San ka?
Maya maya, kinalabit na ako ni April. Suot pa rin niya 'yong suot niya kagabi.
"Asan 'yong gunggong na 'yon?" tanong ko nang pagalit.
Hindi sumagot si April.
"Oy," pangungulit ko.
"B-break na kami," sagot naman niya.
Wala akong nagawa kundi magbuntonghininga at akbayan siya.
Nang nakaupo na kami, binigay ko sa kanya 'yong sandwich na hinanda ni Ate tsaka 'yong tubig.
"After mong kumain, uwi na tayo," sabi ko.
"Opo."
"Bat kayo nag-break?"
BINABASA MO ANG
The 22nd of April
Teen FictionI was stuck in love, so I called her for help. But before she could pull me out completely, She also got stuck.