Chapter 12: Trapped

2.8K 175 58
                                    

Siyempre, aandar ang panahon at dumating na ang April 21, isang araw bago ang kaarawan niya. Nakarinig ako ng balita galing sa kanya na nakapasok siya sa isang prestihiyosong school. Teacher April na siya. Hahaha. Kung sabagay, bagay naman sa kanya e.

Maaga pa lang at pumunta ako do'n sa mall kung saan matagal na nakalagay do'n 'yong manikang Jhanna 'yong pangalan. Nakatitig lang ako sa kanya nang tinanong sa 'kin ni kuya na nagbebenta kung gusto ko ba bilhin. Noong una humindi ako, pero di kalaunan napasuko ako ni kuya sa marketing skills niya. Pinabalot ko 'yong manikang 'yon sa paborito niyang kulay na pink.

Nilagay ko 'yong regalo sa loob ng cabinet ko pagdating ko sa bahay. Tamang-tama na regalo ko 'yon para sa kanya. Nag-internet ako at nakita kong online si May. Buti na lang at may microphone na kami kaya nakakapag-usap na rin kami online.

"Musta?" tanong ko.

"Ayos lang," sagot nya. "Eto, ngayon lang nakakita ng time para makapag-internet. Ikaw?"

"Ayos lang din."

"Balita ko, nakipag-date ka raw kay April."

Sabi na nga ba at kukuwentuhan ni April 'yong mga kabanda niya e. Naisip ko tuloy kung nagkuwento siya kay Red.

"Oo. Para naman bago mo ko sagutin," sabi ko na may yabang, "lulubos-lubusin ko na."

"At talagang sure ka na na sasagutin kita," sagot ni May na may ngiting nang-aasar.

"Oo naman. Bukas na 'yon 'di ba?"

"Oo e. At bukas na rin ang twenty-second niya 'di ba?"

"Tama. Bukas nga."

"Wala ka pa rin bang na-ri-realize?"

"Na alin? Na busted na talaga ako sa 'yo at talagang pinagpipilitan mo 'yong sarili ko kay April?" tanong ko, stating the obvious. "Oo, napansin ko na."

"Baliw," tawag niya sa 'kin na may halong mahinhin na tawa.

"Ha! Sino kaya sa 'tin ang baliw?"

Nagtawanan kaming dalawa. Gusto ko pa rin naman si May e. At magiging masaya ako kung sasagutin niya nga ako bukas. Alam ko naman na mawawala agad 'yong kay April sakaling sagutin nga ako ni May . . . at ayos lang 'yon. Babalik sa dati na parang wala talaga akong naramdaman para sa babaeng 'yon.

***

Nakatanggap ako ng text galing kay April na nagyayaya na naman magkape. Hobby namin 'to e—ang magkape. Meet na lang daw kami ng alas-singko sa Bo's Coffee sa Katipunan. Libre raw niya dahil natanggap na raw siya do'n sa school na inapplyan niya.

Andoon na ako ng alas-kuwatro imedya, mas maaga ng thirty minutes sa pinagusapan. Siya naman, late ng thirty minutes.

"Aga a," mapanuyam kong sinabi.

"Sorry naman!" sabi niya. "O game! Libre ko!"

"Sabi mo e."

Binigay niya sa 'kin 'yong pera ta's nagorder na ko ng kape at cake para sa 'ming dalawa. Nag "cheers" kami dahil sa tagumpay niya. Masaya akong masaya siya.

"Ang saya talaga!" sigaw niya na akala mo, walang tao sa coffee shop. "Grabe kaya 'yong demo ko do'n. Nakakatakot 'yong mga supervisor."

"Ganyan talaga 'yan. Unang sweldo mo, libre mo a?"

"Oo na, oo na. Uy! Birthday ko na buuukaaas!"

"At bakit ang saya mo?"

"Wala lang. Masaya lang ako dahil twenty-two na ako."

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon