Chapter 6: Her Way Home

3.4K 198 32
                                    

Tiningnan ko 'yong kalendaryo. Wow, October na pala. Binilang ko 'yong buwan noong huling nagka-boyfriend si April. June . . . so . . . mag-aapat na buwan na.

Kapag nagkikita kami, tatlo lang ang napaguusapan namin: si Red, si May, at iba pa. Hahaha. Kadalasan, siya 'yong nagsasalita dahil siya 'yong mas maraming nakukuwento.

Habang nasa jeep kaming dalawa, nagulat ako nang tinanong niya sa 'kin kung gusto ko ba raw makipag-date kay May.

"Bat mo natanong?"

"Ako kasi ang nababagalan sa 'yo," sabi niya. "Puro kayo text e."

"Getting to know stage pa kasi."

"Getting to know, getting 'to know . . ."

"Palibhasa, ikaw, kakakilala mo pa lang sa lalaki, numenext stage ka na," asar ko. "HHWW na."

"Excuse me," sagot niya. "Hindi kaya. Gumeget to know din naman ako."

"Weh. Ewan ko nga sa 'yo."

"Pero ano nga? Gusto mo e. Tsaka hello! First ever GF-to-be! At ako naman, last ever BF-to-be. Nakilala mo na 'yong akin. So it's time na ikaw naman ang kumilos para sa 'yo. Itext mo na!"

"Anong itetext ko?" tanong ko.

"Like hello! Puwede bang makipagdate?"

"Ang corny."

"E anong gusto mo?" tanong ni April. "Dadalaw ka sa bahay nila, mag-gigitara, tapos mamamanhikan sa magulang?"

"Bakit, hindi ba puwede 'yon?"

"Galing ka ba sa nineteen kopong-kopong? Kuuurt!"

"Ang sinasabi ko, ang pangit lang na diretsong 'puwede ba makipagdate.'"

"E di 'Free ka ba tonight?' Mga gano'n ba? Hay nako. I suggest na manood ka naman ng telenobela kahit papano. Kulang ka sa romance and drama e."

"Tigilan mo nga ako, Abrilata," sabi ko. "Eto na eto na. Magtetext na nga e."

Tinext ko si May na may nangangatog na daliri. Naalala ko noong high school na may sinubukan akong ligawan. Eto namang si April, naunahan ako sa pagsabi. Nahiya na ko pagkatapos at hindi ko na kinausap 'yong babae.

"O ayan!" sabi ko. "Sent na!"

"May reply na?"

"Baliw ka ba? Kakasend lang e!"

"Patingin nga ng sent items mo!"

"Bakit?"

"Para sure. Alam ko na!"

"Anong alam mo na?"

"Double date kaya?" suhestiyon ni April.

"Double date? Ayoko!"

"Bakit? Ayaw mo kong makasama?"

"Magiging istorbo lang kayo ni Red sa 'min."

"May balak kang masama kay May, ano!" tukso ni April.

"A-anong balak ang pinagsasasabi mo dyan?"

Hay susme. Eto na naman si April. Kapag naisipan talaga ang isang bagay, gagawin para matupad. Nagtext si May sa 'kin na ayos lang daw siya, pero wag sana this week. So . . . next week. Kaso eto namang si April, nagtext kay May na kung puwede, double date.

Siyempre ang sabi naman ni May, "mas masaya" raw pag gano'n. E para namang may magagawa ako, di ba?

***

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon