Anak naman 'yan ng ASDFGHJKL o! Bakit traffic? Sa lahat ng araw, bakit ngayon pa traffic?
Hindi ako mapakali. Tiningnan ko 'yong relo ko. Takte. Alas-nuwebe na, at halos kakaalis ko lang ng bahay. Hindi ko na ata maaabutan 'yong ungas na pag-amin ni Red. Pero alam ko naman na siguro, mga alas-nuwebe imedya niya tatanungin 'yon dahil mag-uusap muna sila, flirt flirt . . . sana. Sana tama nga ako.
Hindi ko na mapigilan tumakbo sa gitna ng traffic. Ang nakakainis doon, kung kailan ako tumakbo, saka umandar 'yong mga jeep. Mga langka. Sumakay na ako noong pagod na pagod na ako at alam kong hindi na ako presentable sa harap niya.
Alas-diyes na nang dumating akong sa Brickroad ng Sta. Lucia. Kalabaw 'yan o. Hindi pala sa 'kin sinabi ni April kung saan sila ni Red. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage. Tinawagan ko rin si May, pero hindi naman niya sinasagot 'yong phone niya. Iyong pinantawag din sa 'kin ni Red, out of coverage din. AAAAAGH! Nakakagalit na 'to!
Habang tumatakbo, nakita ko 'yong barkada ni Red na nag-iinuman sa may Fridays ata. Kasama siya do'n. Mukhang . . . mukhang nahuli na ko.
Anong mukha? Huli na talaga ako.
Pero hayaan mo na. Susubukan ko pa rin.
Papalapit na sana ako nang narinig ko ang boses niya: "Woo! Birthday ko ngayon, sinong may birthday?"
Napalingon ako agad para hanapin kung saang lugar nanggagaling 'yong boses niya. Pride nga naman ang bumabalot sa 'kin at hindi ko magawang itanong kung saan 'yong stage.
"Sad to say, huling perfo na namin 'to," dagdag ni April. "Para sa ating lahat! Cheers!"
Nakarinig ako ng drums kasabay ng gitara at sigawan pagkatapos. Pagtingin ko . . . Huli! Sa wakas, nakita ko na rin sila. Kaya pala nakapants lang si May at si April dahil tutugtog pala sila . . .
Bat di ko man lang nahalata na kaya niya ko gusto sumama e hindi lang para sa birthday niya kundi para sa last performance niya kuno?!
Sinubukan kong lumapit, kaso ang daming tao. Paano, mag-pe-perform din 'yong sobrang sikat na banda. Sila ata 'yong pangalawa na tumugtog.
I used to think one day we'll tell the story of us . . .
Ayos din 'tong si April. Pumili ng kanta na bagay sa 'min. Oo nga naman, sabi nga ng mga tao, bagay daw kami at ang swerte namin sa isa't isa. Pero ngayon, ano na? Ni hindi na namin alam kung ano nga ba kami sa isa't isa.
"Aaaaapril!" sigaw ko, hinihiling na sana tingnan niya ako kung nasaan man ako. Pero sa sobrang daming tao at sa tugtog, hindi niya ako naririnig. Dapat ngang makipalaban. Gera na 'to.
Habang sinsubukan kong lumapit, natatawa ako dahil sa kinakanta niya. "The Story of Us" ni Taylor Swift, Abrilata version. Oo na, paborito na niya si Taylor Swift. Pero hindi ko alam kung dahil lang ba kay Taylor Swift kaya niya to piniling kantahin sa last performance nila.
Iyong chorus, tamang-tama sa mga iniisip ko. Na una, hindi ko siya makausap sa dami ng tao. Pangalawa, oo, mamamatay ako sa sikip ng tao dito. Pangatlo, oo na, letseng twist of fate na. Pang-apat . . .
And the story of us looks a lot like a tragedy now.
Tragedy? Tumahimik nga muna siya at pansinin niya muna ako. Linta! Andito ako!
Nakakainis 'yong ang daming tao na sumasayaw. Tumingin ako sa mas kalmadong lugar . . . na hindi pa rin kalmado. Puwede siguro do'n na lang ako dumaan. UGH!
Ngayon, pinagbibintangan niya akong iniiwasan ko siya. Naisip ko naman, Sinong nagsabi sa 'yo? Nangako na ako na hindi kita iiwasan.
Tapos may nanulak na jumping jolens. Anak ng—tabi! Hindi niya nga ako makita tapos may pinagkakakanta pa siyang pride? Ha? Eto na nga't kakausapin ko na siya.
BINABASA MO ANG
The 22nd of April
Teen FictionI was stuck in love, so I called her for help. But before she could pull me out completely, She also got stuck.