Isang linggo kami hindi nagkita ni April dahil sa mga hinayupak na plates. Ang dami-dami ko kasing gagawin, Pero nAng nagkaroon na kami ng chansang magkita, sinalubong lang naman niya ako ng "Pleeeeeaaaase? Sige naaaaa!"
"Ba't ba kailangang kasama ako do'n?" tanong ko. "Ano ako, chaperon mo?"
"Please, please, please? Eto naman. Mahalaga sa 'kin 'yong opinyon mo, 'no."
"Okay na si Red, ano ka ba. Kung sa'n ka masaya, suportahan ta ka."
"E! Sige na!" pagpupumilit ni April. "Sama ka na, please? Magkakape lang naman kami e."
"Alam mo, ma-ba-bad trip lang 'yon pag makikita niya ako. Isipin pa iniispiya ko kayo."
"Like duh. Nasolusyonan mo nga 'yong iba e."
"Ang kulit mo rin, ano? Nagtitipid ako," dahilan ko.
"Fine," sagot niya. Ako na magbabayad."
"Neknek mo."
"Ang arte naman nito e!"
"Sino kaya sa 'tin ang maarte?"
"Sige na! Remember, last time mo na lang 'tong gagawin?"
"E pano kung bukas yayain ka pa rin niya? E di hindi 'yon 'yong last time."
"Sige na! Pleaaase!" lalong pakiusap ni April. "Tapos ako naman 'yong mag-se-set-up sa inyo ni May."
Napaisip ako. Alam talaga nito makakapagpa-oo sa 'kin e, 'no?
"Take it, or leave it?" tanong niya.
"E puwede ko naman siyang yayain e."
"Naman e! Sige naaaa!"
"Oo na, oo na, oo na," sabi ko. "Hindi mo naman ako titigilan. Hanggang sa panaginip, guguluhin mo ko."
"Yey!"
Hay. Eto talagang babaeng 'to. Ganyan 'yan pag first date ng mga nanliligaw sa kanya. Lagi niya akong kasama. Pero nasa kabilang table lang ako. Parang ako 'yong "spy" kumbaga. E ano pa ba ang kailangan ng spy? May pangalan na nga 'yong shades ko e, Yolanda Spy. Ewan ko ba dyan kay April. Pinangalanan 'yong shades ko.
***
As usual, thirty minutes ako mauuna. Dala-dala ko 'yong laptop ko. Mag-oorder ako ng kape, at 'yon na. Nakapwesto na ko.
Mauuna si April ng fifteen minutes para makaupo do'n sa table na malapit sa 'kin. Buti na lang at huling beses ko na 'to gagawin.
Ang usapan, 6:30 pm. Dumating si Red ng mga 7:15. Siyempre, nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila. Hindi sa chismoso ako o ano, pero 'yon lang naman ang utos sa 'kin ng kalabasa.
"Sorry late ako," sabi ni Red.
Siyempre, sumagot si April, "Hindi naman halata."
"Sorry na. Eto, pambawi ko."
Hindi ko alam kung saan niya hinugot 'yong bouquet. Hindi ko naman nakita sa likod niya 'yon. Pero dahil si April ay si April, binalikan niya si Red ng "Thank you, pero no offense ha. Hindi kasi ako fan ng mga bouquet e."
"G-ganon ba? Sorry ulit," sabi ni Red.
"Hindi ayos lang. It's the thought that counts."
Nakita kong ngumiti si April. Hay nako. Itong babaeng talaga na 'to o. Maniwala naman kayong hindi siya fan ng bulaklak! Kung alam ko lang, nangingisay na 'yan dahil sa kilig. Siguro, kaya niya nasabi 'yon ay dahil ilang beses na rin siya nabigyan ng ganyan.
Sigurado akong nangangatog 'tong si Red dahil sa kaba. Halata naman sa kanya na siya ang uri ng tao na kayang-kaya umamin sa babaeng nagugustuhan niya. Nga lang, pag dating kay April, hindi niya alam kung paano dapat kumilos.
BINABASA MO ANG
The 22nd of April
Teen FictionI was stuck in love, so I called her for help. But before she could pull me out completely, She also got stuck.