Pagkatapos ng araw na 'yon, nag-iba na ang lahat. Paanong hindi?! Eh sobrang busy. Parang isang beses ko lang nakatext si May, at si April, minsanan ko na lang nasasabayan pag-uwi dahil hindi na niya ako nahihintay sa mga panggabi kong klase. Iyong minsanan pa na 'yon e laging kasama si June. Kung hindi si June, si Red.
Isa lang siguro 'yong hindi nagbago . . .
Iyong nangingitlog na dinosaur sa tiyan ko sa tuwing naiisip ko si April.
Ewan ko ba kung bakit naging ganito. In love na ba ako? Eto na ba 'yon? Minsan kapag natutunganga ako, binubuksan ko 'yong laptop ko para tingnan 'yong mga picture naming dalawa. Minsan naman, nahuhuli ko ang sarili kong sinusulat 'yong pangalan niya. Sinusunog ko nga 'yong mga papel dahil alam kong tukso ang abot ko kay Dan at kay ate Natasha.
Hindi ko alam kung bakit nagtataka ako. Para bang kung ituring ko 'yong nararamdaman ko e incest o bestiality. Para bang hindi tanggap ng karamihan. Parang bawal 'yong nararamdaman ko. Siguro dahil ang turing ko sa kanya e kapatid na tatay na nanay na anak na tito na tita na lolo na lola na bespren na alaga na higaan na laptop at kung ano-ano pang bagay . . .
Para bang . . . si April na ang mundo kosdkaspdfjafnasfnkldfjsldfhsfnsldflsk—AAAAA! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Ano bang drugs ang accidentally kong nahithit at ba't ako nagkakaganito?
Naalala ko 'yong sinabi kong date kay April. Ano ako, namamangka sa dalawang dagat? Tsk. Mali e. Kung sabagay, trip-trip lang naman siguro 'yong "date" namin kuno ni April at hindi niya 'yon seseryosohin.
Tiningnan ko 'yong kalendaryo. Pagkatapos na lang siguro ng Lantern Parade—isang event sa university namin kung saan maraming naglalakihang lantern ang paparada—ko siya iimbitahan. Kung sabagay, busy talaga kami sa pagaasikaso nung lintsa naming lantern.
Napahiga ako sa kama sabay text kay May, tutal may natitira pa naman akong load. Sana nga lang, may load siya.
Puwede mo ba ko samahan na bumili ng regalo para kay Abrilata? Kung okay lang naman.
Natuwa naman ako nang nagvibrate 'yong phone ko maya-maya.
Oo naman. San tayo meet?
Naligo ako tapos umalis na ako ng bahay. Tinext ko siya na sa Sta. Lucia East Grand Mall na lang kaming dalawa, at sana wag niya sabihin kay April na bibilhan ko nga siya.
Nang nagmeet na kami, sa department store agad kami pumunta. Ewan ko nga ba kung bakit natagalan akong pumili ng ireregalo para sa kanya. E madalas naman, isang bunutan lang 'yong pagpili ko ng regalo para sa babaeng 'yon.
"Shirt kaya? O kaya belt? Stockings?" suhestiyon ni May.
"Marami na siyang gano'n e," sagot ko.
"Friendship bracelet kaya?"
"Hindi kami mahilig sa gano'n e."
"Keychain?"
"Hmmm . . ."
"Tingin ko naman kahit anong galing sa 'yo matutuwa siya."
Tiningnan ko si May. Sumagi sa isip ko na si May ang gusto ko. Ibig kong sabihin, lahat ng gusto ko na kay May na—maganda, cute, demure, hindi maingay, approachable, at pinipili 'yong mga sinasabi. Kabaligtaran halos ni April na pranka at maingay, may pagkaisip-bata at clumsy pati. E ba't ko pa 'to papakawalan?
Kung ano man 'tong nararamdaman ko, tingin ko dapat ko 'to pigilan. Tutal, alam ko namang mas mabibigyan ni Red ng maginahawang buhay si April. Isa pa, lahat ng hindi ko kayang mabigay sa kanya, alam kong mabibigay ni Red. Pareho pa sila ng hilig mula sa wrestling hanggang sa mga pagkanta.
BINABASA MO ANG
The 22nd of April
Teen FictionI was stuck in love, so I called her for help. But before she could pull me out completely, She also got stuck.