Chapter 3: Colorblind

4.4K 224 69
                                    

Dumating ang bukas.

Halos wala na akong maisuot, at paubos na rin ang allowance ko na inipon ko galing sa part-time job ko dati. Mukhang kailangan ko na ulit magtrabaho.

"April!" tawag ko sa kanya.

"Oo na, parating na!"

Pinagbuksan ako ng pinto ng tatay niya. E halos anak na rin turing niya sa 'kin . . . sa araw-araw ba naman na pagkikita namin ni April?

"Hi, Louise!" bati ko sa kapatid niyang sumalubong din sa 'kin.

Parang dati lang na toddler pa 'tong batang 'to, at ngayon, seven years old na. Nakakatuwa talaga siya. Ang cute cute. Kuhang kuha niya 'yong ilong ni April.

"Kuya Kurt!" bati sa 'kin ni Louise.

"Louise," sabi ni April, "bigyan mo muna ng juice si Kurt. Magbibihis lang ako."

"Uy, hindi, wag na," sabi ko kay April. "Hindi ka pa ba ayos?"

"Okay lang, Kuya," sabi naman ni Louise. "Kakagising lang ni Ate galing sa nap e."

Bagong ligo si April. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya para magbihis habang ako, umiinom ng juice na timpla ni Louise.

"Kuya," tawag sa 'kin ni Louise. "Kailan kayo magpapakasal ni Ate?"

"H-ha?" Halos maibuga ko 'yong iniinom ko. Nagulat ako sa tanong niya. Paano, sa halos araw-araw na pinunta ko dito, ngayon lang niya ako tinanong ng gano'n. E bata pa siya.

"Hindi naman kami ng ate mo," sagot ko.

"Alam mo," dagdag ni Louise, "kahit ang dami-dami ng boyfriend ni Ate, lagi siyang umiiyak."

Uminom ako ng juice at pinakinggan lang 'yong sinabi ni Louise.

"Noong isang araw, noong nagkukunwari akong tulog, naririnig ko na umiiyak si Ate."

"Tapos? Anong sinasabi niya?"

"Basta parang ang narinig ko lang . . . na parang . . . bakit daw sa dinami-dami ng naging boyfriend niya, di pa rin daw siya masaya."

"E pano naman kasi. 'Yong mga halimaw na 'yon, parang kalahati sa kanila, nambababae. 'Yong iba seloso. 'Yong iba naman, hindi sineseryoso ate mo."

"Hindi kasalanan ni ate?"

"Hindi kasalanan ng ate mo 'yon no. Kita mo, 'yong mga boyfriend niya ang nanligaw at nakipaghiwalay sa ate mo."

"Sa bagay. Pero ikaw?"

"Anong ako?"

"Hindi ka naman siguro mambababae at hindi ka naman siguro maghihigpit kay Ate at seseryosohin mo siya."

"Hindi nga kami ng ate mo."

"Alam mo, Kuya, ikaw ang pinakagusto ko kay Ate. Kasi sa lahat ng lalaking pumunta dito sa bahay, ikaw lang 'yong nakakapagpangiti nang totoo diyan."

Napangiti ako.

Sa totoo lang, minsan naaawa na talaga ako kay April. Nakuwento naman na niya sa 'kin na pagkatapos ng unang boyfriend niya, hindi na siya nagmahal nang todo para hindi siya gano'n masaktan. Pero siyempre, hindi mo pa rin maiiwasan ang masaktan kahit hindi mo man ibigay ang buo kasi nagbigay ka pa rin kahit papano.

"Louise, anong sinasabi mo kay Kurt?" tanong ni April.

"Nagsusumbong ako na binubully mo ako na ako maghugas ng pinggan!"

"Aba! Ikaw ah!"

Tumawa lang kaming tatlo.

Nagpaalam na kaming dalawa tapos sumakay na kami ng jeep. Wala pa namang limang minuto papunta do'n sa niraraketan ni April.

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon