Chapter 10: Peelings

3.3K 205 70
                                    

Kakabalik ko lang galing school e dinagsa na kami sa dami ng requirements. Konting tiis na lang, ga-graduate na rin naman na ko. WOO! DEN AY WILL BE FREE POREBERMOR! Ayos lang dahil kumikita naman ako kaya nakakapag-ipon din ako.

Gumimik kami ng mga kaibigan kong taga-arki. Benta nga't walo kami sa barkada, pero dalawa lang kaming walang partner. Iyong isa, may balak pa atang magseminaryo pagkatapos. Maghintay-hintay lang sila. Sasagutin din ako ni May kapag ready na siya. Hindi naman ako nagmamadali e.

Bumalik ako sa dati kong buhay. Iyong sobrang busy na buhay na tipong arki lang ang buhay ko. Sa dulo ng araw, mag-mi-meet kami ni April sa college nila. Pero dahil bagong taon, isa ata sa mga New Year's resolution ni Red ay ang sunduin si April araw-araw. Nairita na nga ako kaya isang araw, hindi na lang ako sumabay. Hindi na lang nagpakita at nagrason na marami pa akong ginagawa.

Kung tatanungin niyo ako kung anong nangyayari sa min ni May . . . iyon. Magkatext, magkachat—lahat na. Pero sa personal, hindi. Busy din kasi siya dahil parte ata siya ng isang theater organization sa school nila.

Naging matamlay ata ang January ko kung tutuusin. Walang love life, walang flirt life, at higit sa lahat, walang kalabasa life. Nagkulang nga ata ako sa vitamin A, literal, dahil tumaas na naman ang grado ko kaya kailangan ko ipagawa 'yong glasses ko.

Nagulat ako nang isang araw na sinorpresa ako ni April sa bahay. Nakabihis siya, hindi naman bihis na bihis pero 'yong simpleng April lang. E kakagising ko lang nun at hindi pa ko nakakapagtooth brush o ano. Eto namang si ate Natasha, hindi man lang sinabi sa 'kin na si April 'yon.

"Ba't ka andito?"

Sabay hikab.

"Tara, labas tayo."

"Nagtitipid ako e. Sa susunod na lang. Puwede ka dito. Gusto mo nood tayo? May bagong download si Dan. Puwede tayong manood."

"Sige . . ."

Naligo't nagbihis naman ako ng matino-tino alang-alang sa bihis kong bespren. Saka ako naglabas ng pagkain, naglatag ng banig para manood kaming apat—ako, si ate Natasha, si Dan, at siya ng kaka-download lang na movie.

Tawa kami nang tawang tatlo. Ang napansin ko, si April, napapatawa pero hindi 'yong dating tawa na tawa niya. Basta parang may matinding problema. Kailangan ko na siguro siyang kausapin na kaming dalawa lang.

Pagkatapos ng movie, nag-lunch kaming apat. Tinulungan niya ko maghugas ng pinggan habang nagkukuwentuhan kaming dalawa. Matapos ang hugasin, saka ko siya niyaya maglakad-lakad. Hindi naman niya 'yon tinanggihan. Hobby niya 'yon e.

"Ang tahimik mo ata. May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman."

"E ba't parang kanina ka pa malungkot? Wag kang magtangkang magtago ng sikreto sa 'kin."

"May . . . may aaminin sana ako sa 'yo," sagot niya.

"Ha? Alin?"

Napatigil kaming dalawa sa gitna ng daan, hawak-hawak lang niya 'yong bag niya na hindi mapakali na ewan ko.

"W-wag na nga," biga niyang bawi.

"Alin nga? Ngayon ka pa ba magtatago ng sikreto sa 'kin?"

"Never mind."

"April," sabi ko, "halata naman sa 'yo na may problema ka e."

"Uhm . . . sasabihin ko na lang siguro sa date natin."

Nang sinabi niyang "date," nagatubili na ako. Siguro nakatulong nga 'yong pagiging busy ko noong January kaya natauhan na ako na mali na ituloy ko 'yong nararamdaman ko para kay April. Siguro dahil lang sa halik kaya nagkaroon ako ng infatuation sa kanya, pero mali e. Kung si April, dapat si April lang. Kaso alam ko sa sarili ko na may nililigawan ako—si May.

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon