“Yaya!! Yaya!!! Nasaan po kayo??”, ani ng isang maliit na tinig ng isang batang babae.
“Ya!!! Asan na po kayo??”, patuloy na tawag ng batang babae. Maya-maya may isang naka-unipormeng babae ang lumapit sa batang ito.
“Señorita, bakit po kayo bumaba? Papa-galitan po ako ng Lola niyo.”, saad ng babaeng naka-uniporme pag-lapit nito sa batang babae.
“Pero, yaya, kanina pa po kasi ako naba-banyo.”, inosenting sagot ng bata.
“di ba may banyo ka naman sa Kwarto mo?”.
“yaya, forget mo na ba? Sira kaya yung banyo ko sa taas. Diba pinapa-gawa pa yun ni Lola?”, katwiran ng bata.
“Ay oo nga pala!!! Pasensiya na naka-limutan ko kasi. O siya sige… ahmmmm… dito ka na lang sa CR sa maids quarter umihi.”
“Teka lang po. Bakit parang ayaw niyo akong---”
“Magba-banyo ka ba o magta-tanung na lang?”, putol ng naka-unipormeng babae sa sa-sabihin ng batang babae.
“Magba-banyo po…”, naka-ngusong sagot nito.
“Halika na nga!! Baka makita pa tayo ng Lola mo!”. Tumalima naman ang bata.
Habang nasa loob ng banyo, sa murang isipan ng batang ito, na-muo ang isang katanungan kung bakit ayaw siya palabasin ng kwarto ng kanyang Lola?
“wala naman akong na-basag na vase. Wala din naman akong pina-iyak na anak ng maids namin.. bakit kaya?”, inosensteng tanung ng batang babae sa kanyng sarili.
“Señorita, tapos na po ba kayo?”, tawag sa kanya ng babaeng nasa labas ng banyo.
“Wait lang po”,tugon ng batang babae.
Gusto man niyang suwayin ang utos ng Lola niya. Hindi pa rin. Dahil siguradong hindi naman siya ang paga-galitan kundi ang Yaya niya.
Ayaw naman niyang ipa-hamak ito, dahil mabait ito sa kanya.
Maya-maya may narinig siya mula sa labas na nagu-usap. Hindi niya lang maintindihan kung anu ang pinagu-usapan at kung sino ang ka-usap ng Yaya niya dahil sa hina ng mga boses nito.
Ilang saglit lang ay muling kumatok ang Yaya ng batang babae.
“Señorita, kung tapos na po kayo dyan, pwede na po bang lumabas dyan? Pinapa-tawag ka po ng Señora at-”.
“Talaga?”, tanung ng bata sabay biglang bukas ng pinto ng banyo.
“Opo. Kaya dalian niyo na po!!”, walang emosyong tugon ng katulong.
Nag-taka naman sa tinuran ng Yaya niya ang batang babae. Sa halip na sa sala siya dalhin, ay sa hardin ng tahanang iyon siya sinamahan ng katulong.
May pagta-taka sa mga mata ng batang babae ng makitang hindi lang ang Lola niya ang naro-roon. May kasama itong lalaking naka-barong tagalog. Naka-tingin ito sa kanya. Ngunit hindi naman naka-ngiti. Sa kanan nito ay isang babaeng hindi niya rin kilala tulad ng una.
Pero nati-tiyak niyang mas bata ito ng ilang taon sa Lola niya. May pagta-taka man, pa-takbong lumapit siya sa Lola niya na kay tamis ng ngiti sa mga labi ngunit na-banaag niyang may lungkot naman sa mga mata.
“Nata-takot ako”,ani niya sa kanyang isipan.
“Ija, dito ka sa tabi ng Lola.”, anyaya sa kanya ng matanda.
Tumalima naman agad ang bata. Napa-gawi ang tingin niya sa kanyang Yaya.
Ganun na lang ang gulat niya ng makitang umi-iyak ito.
BINABASA MO ANG
My Third Lady
Teen Fiction"There is nothing in this world but change." , gasgas na kasabihan man, pero totoo at malalim ang ibig sabihin. Change, pagba-bago..... bakit nga ba kailangan pa nito sa buhay? Hindi ba pwedeng constant na lang ang lahat? Hindi ba pwedeng forever na...