"Mahilig ka pa rin pala sa Rose"
Naka-talikod man alam ni Jaedan kung kanino ang boses na iyon.
Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at hinarap ang nagma-may ari ng boses na iyon.
"Magandang umaga po Mother Superior.", magalang na pag-bati ni Jaedan sa Madre.
"Mabuti naman at nabisita ka dito Dan-Dan.",naka-ngiting sabi nito.
"Ngayon lang po na-bakante sa trabaho. Nagustuhan po ba ng mga bata ang dala kong mga regalo?", tanung ni Dan sa Madreng ka-usap.
"Naku naman tina-tanung pa ba yan? Alam mo namanag mababaw lang ang kaligayahan ng mga bata. Kahit na simpleng laruan lang. Ang mahalaga eh nara-ramdaman nilang may nagma-mahal at naga-alaga sa kanila.", mahinahong pahayag ng Madre.
"Kung sana po ganun na lang ang lahat. Simple at masaya", maka-hulugang sabi ni Dan
"Hindi i-ikot ang mundo kung simple lang ang lahat. Kailangan din ang mga komplikadong bagay. Para magka-roon ng kulay at konting twist at excitement ang buhay natin."
"Sabi ko nga po.", pag-sang -ayon niya sa Madre.
"Ikaw? Kumusta ka naman? Ang trabaho mo? May asawa ka na ba ngayon?"
"Mabuti po ako. Okay naman ang trabaho. Nabu-buhay ko po ng ma-ayos ang sarili ko. Asawa? Sa hirap po ng buhay ngayon, ni girlfriend hindi ko maisip na magka-roon. Masaya naman na po ako kahit mag-isa. Okay naman po ako. Sanay na rin.", Dan
"Iba rin ang may kasama sa pag-tanda. Ang maga-alaga sayo sa tuwing may rayuma ka. O di kaya may magpapa-alala sayo kapag makaka-limutin ka na"
"Mother, nandyan naman kayo. Eh di pag-matanda na ako, ba-balik na lang ako ulit dito. Atleast dito, mas marami ang makaka-sama ko.",sagot naman ni Jaedan.
"Mga bata lang ang pwede dito. Hay naku Jaedan. Darating at darating din ang nara-rapat para sayo. Mag-hintay ka lang.", naka-ngiting sabi kay Jaedan ni Mother Superior.
Naputol ang usapang iyon ng biglang tumunog ang cellphone ni Jaedan.
"Excuse me lang po." Lumayo ng ka-unti si Jaedan bago sagutin ang tumawag.
"Hello Sir. Goodmorning Lexing speaking."
Siya si Jaedan Carl Mintos. Walang pamilya lumaki sa bahay ampunan. Isang may-kayang mag-asawa ang umampon sa kanya ng sampung taong-gulang siya.
Sa kasalukuyan kasapi siya ng isang elite special agent sa bansa. Grupo ito sa ilalim ng pamama-lakad ng Gobyerno na hindi lingid sa kaalaman ng madla ang kanilang existence.
Kunbaga nasa underworld society sila. Wala nakaka-alam ng tunay nilang pagka-tao. Kahit ang kapwa nila miyembro walang alam tungkol sa isat-isa.
Ni hindi nila masigurado kung ang mga taong nakaka-salubong nila ay isa pala sa mga kasamahan nila. Maaari ngang kahit ang mga simpleng janitor sa Mall o mga opisina ay isa rin sa kanila. Tanging ang leader o kung tawagin nilang "Sensei" , ang nakaka-kilala sa kanila gayun din ang Presidenti ng bansa.
Kung paano siya napasok sa trabahong ito ay dumating sa di ina-asahang pagkaka-taon. Pinag-aral siya ng umampong pamilya sa Englatera bilang isang Future FBI Agent. Lingid naman sa kaalaman niyang may isa pa palang ahensiya na nagma-matyag sa bawat kilos at performance nila. At isang araw nga ay pina-tawag siya ng mismong Leader ng Elite Force sa England para sabihin ang tungkol sa pagkaka-pili sa kanya bilang isa sa mga bagong Secret Agent.
Noong una ay nag-alinlangan siya sa ina-alok na opurtunidad sa kanya. Kasama kasi sa pag-tanggap sa katungkulang ito ay ang pagkaka-roon ng panibagong pagka-tao. Kung saan dito siya maki-kilala. Isama pa ang pag-putol niya ng ugnayan sa kanino mang malapit sa kanya, para na rin sa seguridad ng mga ito.
BINABASA MO ANG
My Third Lady
Fiksi Remaja"There is nothing in this world but change." , gasgas na kasabihan man, pero totoo at malalim ang ibig sabihin. Change, pagba-bago..... bakit nga ba kailangan pa nito sa buhay? Hindi ba pwedeng constant na lang ang lahat? Hindi ba pwedeng forever na...