Maagang gumising si Veth ng araw na iyon. Isang linggo na lang kasi at pasukan na, pero wala pa rin siyang gamit. Ang mga kapatid naman niya ay ibinili na ng mahal nilang ina.
Siyempre hindi siya kasama doon. Nang nag-daang gabi nagpa-alam siya sa ama na kung ma-aari ay siya na lang ang bi-bili ng mga gamit niya. Pumayag naman ito. Yun nga lang, may kasama siyang body guard. Pati si Maurina ay kasama.
"Lady Veth, naka-handa na po ang sa-sakyan", ayon sa isang katulong.
"Sige, bababa na ako. Paki-hintay na lang ako.". muli pang tumingin sa salamin si Veth.
Sa tuwing gina-gawa niya ito, naalala niya ang laging sina-sabi ng kanyang abuela.
Na magka-mukha daw sila ng mama niya. Para nga daw siyang Clone nito. Maging ang mga katulong nila dati, ganun din ang sina-sabi.
Dumiretso na si Veth. Nakita niya sa garden ang magi-ina. Abala sa pagpapa-manicure. Nag-paalam muna siya sa mga ito bago tuluyang umalis.
"Lady Veth, ipinabi-bigay po ito ng inyong ama.". isang envelope ang ina-abot ni Maurin sa kanya ng lulan na sila ng sasakayan.
Binuksan niya rin ito agad. Ganun na lang ang gulat niya ng makita ang laman nito.
"Para saan ito?", tanung niya sa babae
"Para daw po iyan sa mga gastusin niyo sa buwang ito.. Sa su-sunod na buwan na lang po ibi-bigay sa inyo ang Cards na nagla-laman ng mga allowances niyo." Tugon ni Maurina
"Pero, hindi ba masyadong marami yata?"
"Kung kulang pa daw po ay magpa-sabi na lang kayo", sa halip ay tugon nito sa kanya
Nagbi-biro ba ito? sa dami ng perang iyon, pang-dalawang buwan ng pang-gastos iyon. Hindi lang dalawang buwan.
"Sigurado ka bang akin talaga ito? baka naman para kayna….."
"Sa inyo po talaga iyan. Meron na po sina Madam Martha at ang mga anak niya kahapon pa.", sagot sa kanya ni Maurina.
Hindi na lang umimik si Veth. Pero muli niyang tiningnan ang hawak na pera.
Anu pa ba ang ina-asahan sa isang CEO ng isang travel and recruitment agency sa buong Asya?
At higit sa lahat, sa isang Mob Leader ng buong Asya at pangatlong Ginoo ng Pangkalahatang Mob sa buong mundo?
Bukod sa business nilang travel and recruitment agency, meron din silang walong 7 star hotel ang restaurants sa iba't-ibang panig ng America.
At ilang malalaking grocery store sa China. Hindi pa dito kasama ang mga paupahang apartment at condominium dito sa Pinas.
Bakit ba kasi sumobra sa yaman ang Daddy niya. Minsan tuloy parang gusto niya na niyang mag-palit ng pagka-tao..
Hindi tulad ng ini-isip ng ibang tao, nakaka-pagod at nakaka-stress din maging mayaman. Lalo na yung mayamang-mayaman.
Lahat ng kilos,lahit ng sina-sabi pati kakainin kailangan naka-monitor. Ni hindi man lang niya na-enjoy ang pagiging teen niya dahil hindi niya mapuntahan ang mga lugar na gusto niyang puntahan dahil sa "seguridad" na laging pinapa-tupad sa kanyang pamilya.
Lalo na at hindi naman niya close ang dalawang kapatid na sana ay pwede niyang maka-sama o gumala man lang.
Natigil lang siya sa pag-angal sa pagiging mayaman at nagulat ng kaunti ng mag-salita si Maurina.
Bakit ba ang hilig ni Maurina na mag-salita na wala man lang que, para hindi siya nagu-gulat.
"Lady Veth, nandito na po tayo",ani ni Maurina
BINABASA MO ANG
My Third Lady
Teen Fiction"There is nothing in this world but change." , gasgas na kasabihan man, pero totoo at malalim ang ibig sabihin. Change, pagba-bago..... bakit nga ba kailangan pa nito sa buhay? Hindi ba pwedeng constant na lang ang lahat? Hindi ba pwedeng forever na...