"Mr. Dy, pwede ba kayong maka-usap?", bati ni Veth isang umaga kay Dylan
"Lady Veth, anu po iyon?", magalang na tanung ng lalaki
"Nais ko sanang puntahan ang isang lugar ngayong araw na ito. I want to take a break kahit ngayon lang. Napuntahan na namin ito ni Maurina. Magsa-sama na lang ako ng mga bodyguards para hindi kayo mag-alala na gagawa ako ng kalokohan.",walang emosyong pahayag ni Veth
"Hindi niyo po kailangang mag-isip ng ganyan, My Lady. Ang kaligtasan lang po ninyo ang ina-alala namin. Sige po at ipapa-handa ko ang sasakyan.".
Tumawag ito ng isang katulong upang ipahanda ang sasakyan.
"Paki-sabi kay Lex na may lakad si Lady Veth ngayon at kailangan ang kanyang serbisyo." Dagdag pa nito
"Mr. Dy hindi na po kailangang sumama pa si Mr. Hidalgo. Kaya na akong protektahan ng mga ka- "
"Paumanhin po Lady Veth, ngunit kasama po ito sa mga bilin ng inyon ama.", magalang na pahayag ni Dylan
Wala ng nagawa pa ang dalaga. Kung magi-insist pa siya, baka lalong hindi siya matuloy.
Iiwasan na lang niya ang binata. At isa pa, hindi naman niya kailangang kausapin ito.
Hindi pa rin niya nakaka-limutan ang nangyari nang naka-raang araw.
"Pinata-tawag niyo daw po ako.", Dan
"Lex, samahan mo si Lady Veth. Meron siyang pupuntahan sa araw na ito. Sayo ko na ipinagkaka-tiwala ang kanyang kaligtasan.."
"I aasure you, no one can ever hurt her, while I'm around.", mayabang na pahayag ng binata. Na lalong ikina-asar ni Veth
"Hambog!!!", sa isipan ni Veth
"Pinahanda ko na ang sasakyan. Maaari na kayong umalis kahit anong oras niyo naisin, Lady Veth.",pahayag ni Dylan
"Ngayon na rin ako a-alis. Baka kasi abutan pa ng traffic.", matapos sabihin ito ay dire-diretso si Veth palabas ng bahay na iyon. Na hindi man lang tumi-tingin kay Dan.
Napansin naman ito ng binata.
"As if namang mai-iwasan mo ako, My Lady Veth", nangi-ngiting saad ni Dan sa isipan niya.
Sumunod na rin siya dito.
Samantalang nasa biyahe sila, napansin ni Dan ang seryosong mukah ni Veth habang naka-tingin sa labas ng sasakyan.
Nai-tanung niya tuloy sa isipan niya na bakit parang malungkot pa ito, gayong napayagan naman itong lumabas ng bahay. Mukhang mas gusto talaga nito na patakas kung umalis.
"Rebelde", saan ni Dan sa kanyang isipan.
"Lumiko ka sa sunod na kalye then take a right turn after the LBC branch.", biglan na lang nagsalita ang dalaga na nagpa-gulat sa kanya. buti na lang hindi siya mahilig sa kapeng barako, kundi ay napahamak na sila sa sobrang pagka-bigla.
"Akala ko, hindi ka na magsa-salita",na-isatinig ni Dan ang nasa isipan.
"Masama bang manahimik ako?", masungit na tanung ng dalaga.
"Hindi naman. Mas masarap kasing mag-biyahe kung nagku-kwentohan. Mas enjoy ang ride.", Dan
"Wala naman tayong dapat na pag-usapan. Mas mabuti na yung hindi tayo nag-uusap mas, makakapag-concentrate ka sa pagmamaneho mo. Para na rin sa kaligtasan nating lahat.", wala pa ring emosyong sagot ng dalaga.
"Ayaw mo ba akong kasama??", tanung ni Dan.
"Anu sa tingin mo?",masungit na naman nitong tugon.
BINABASA MO ANG
My Third Lady
Teen Fiction"There is nothing in this world but change." , gasgas na kasabihan man, pero totoo at malalim ang ibig sabihin. Change, pagba-bago..... bakit nga ba kailangan pa nito sa buhay? Hindi ba pwedeng constant na lang ang lahat? Hindi ba pwedeng forever na...